Pacman, Mayweather nagpalitan ng cellphone number, textmate na

manny pacman

NAGKITA raw sa isang stadium sa Amerika sina Manny Pacquiao and Floyd Mayweather at sabi sa caption ng picture nina Mayweather and ultimate social climber Bernard Cloma nagpalitan daw ng celfone numbers ang dalawang boxing superstars. In short, hindi naman pala sila personal na magkaaway – professional fighters daw kasi sila.

Walang personalan kumbaga, trabaho lang. Exchanging phone numbers sends us kakaibang message – sending a different signal kumbaga. Some say na tiyak na pag-uusapan na ng dalawang boksingero ang kanilang future bout.

Maybe – maybe lang ha, pag-uusapan na nila ang magiging sistema – ito’y devil’s advocate lang (I am not a devil, mind you! Ha-hahaha!) – maaaring ayusin na nila ang labang ito.

Since hindi naman papayag si Mayweather na mapatumba ni Pacman, dahil wala pa siyang talo ever since – malamang na sa unang salpukan nila ay magpapatalo si Pacquiao at para pampataas presyo at taya, sa susunod na laban ay si Pacquiao naman ang papanalunin nila.

Ganoon ang mafia sa boksing, di ba? Iba rin ang drama ng mga iyan. Bahala na kayo kung kanino kayo pupusta. Ha-hahaha!
“Malamang! May feeling din akong ganyan ang mangyayari para lalong sumaya ang boxing world.

Ngayong nagkabigayan na ng number ang dalawa, for sure ay magkakaroon na ng usapan iyan. Hindi kataka-taka kung mangyari nga ito,” sabi ng isang boxing fan na kakilala namin. Agree siya sa naiisip namin.

Big time na nga talaga si Pacquiao. Hindi lang talaga siya sa Pilipinas sikat, pati sa international scene ay winner siya. Katatapos lang niyang makipag-dinner kay Prince Harry sa Buckingham Palace sa London, ngayon ay sa Miss Universe naman siya nakita as a judge.

Malungkot lang dito ay sa Saranggani Province daw siya very unpopular now – sa probinsiyang pinaglilingkuran niya as a congressman dahil sa tinuran niya sa interview sa Amerika na nakikiusap daw siya sa mga constituents niyang huwag na siyang iboto sa susunod na eleksiyon dahil nagagastusan lang siya.

Na-offend daw ang mga taga-Saranggani – parang pinalalabas daw kasi ni Pacman na utang na loob pa nila ang pagboto sa kanya. Huwag daw siyang mag-alala dahil susundin ng mga kababayan niya ang kanyang hiling.

Nabastos daw sila – nainsulto bilang citizens ng Saranggani. Sad, di ba? Hay buhay, masyado kasing matabil din ang dila nitong si Pacquiao minsan, eh. Hindi nag-iisip. Baka naalog sa boksing ang utak, di kaya?

Read more...