Heart kay Chiz: Siya ang nagligtas sa akin!

chiz escudero
Walang nararamdamang kaba o takot si Heart Evangelista sa nalalapit na kasal nila ni Sen. Chiz Escudero. Sa darating na Feb. 15 na ang wedding ng dalawa sa Balesin Island. Ayon sa aktres-TV host, relax na relax pa rin ang feeling niya.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi ni Heart na ineenjoy lang niya ang feeling ng isang future bride at nagdarasal siya na maging maayos ang lahat pagdating ng mismong kasal.

“I have no idea what to expect. I’m not so much of a bridezilla. Si Chiz kasi siya ‘yung involved na involved. Nakakatawa kasi sobrang excited siya. Ako tagaturo lang ako, tapos siya taga-tawad.

It’s fun. Cool lang ako, relax lang ako. Ine-enjoy ko lang every moment,” ani Heart.  Sa tanong kung paano siya nabago ng pag-ibig, “It was the right kind of love that changed me in a good way. Chiz has really made me into a better person.

For the rest of my life, I will always be thankful that I met him. He saved me from a lot of things.”

Read more...