Karla ayaw gayahin ang diet ni Sharon: OK na ako sa katawan ko!

karla estrada
Going smoothly pa rin ang takbo ng relasyon ni Karla Estrada sa kanyang foreigner boyfriend for three and a half years.
Tanggap din ng mga anak ni Karla ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang nobyo.

“Hindi naman nag-aalala ang mga ‘yun. Alam naman nila na kaya kong bugbugin ‘yung mga ‘yon. Okey lang sila basta nakikita nila na masaya ang nanay nila,” nakangiting pahayag ng mommy ni Daniel Padilla.

Born and raised daw sa ibang bansa ang boyfriend ni Karla kaya malawak ang pang-unawa kapag  busy siya sa kanyang mga anak.“Okey lang sa kanila na hindi kami madalas magkasama, na hindi maarte-arte ‘yung mga set-up,” say niya.

Madalas daw sa bahay lang nila sa Don Antonio Heights sila nagdi-dinner ng boyfriend niya. Minsan sa bahay daw noong guy.
“Mature, kasi 40 na kami pareho. Dito siya naka-base sa Pilipinas, sila ng mom niya.

Build and sell ng bahay ang business nila,” sey ni Karla. Nagkakilala sila sa isang reunion ng boyfriend niya. Sinamahan lang daw niya si Sharmaine Suarez sa nabanggit na reunion, tapos pinakilala sila ng common friends nila.

Seryoso raw sila sa kanilang relasyon, ayon pa kay Karla. At napapag-usapan na raw nila ang tungkol sa kasal. “Pero hindi ko kasi priority, e. Uh, alam naman niya na hindi pa ako handa.

Kapag siguro mga 15 years old na si Carmela (bunso niyang anak). Hindi mo kasi maiiwan ang anak mo, e. Hindi ko kayang iwan ang mga anak ko, e, lalo na meron pa akong bunso.”

Nais din ni Karla na i-revive ang kanyang singing career. According to her, ‘yan daw ang dahilan kung bakit siya nag-audition sa The Voice of the Philippines.

“Oo naman,” diin niya. “Yan kasi ang talentong hindi mawawala, e. Hanggang pagtanda nandiyan kapag inalagaan mo lang. Pero kapag lola ka na, tagakanta na lang sa apo. Ha-hahaha!”

Since gusto niyang i-revive ang kanyang singing career, magpapayat din ba siya tulad ni Megastar Sharon Cuneta? “Wala nang gaya-gaya. Kapag gusto ko, oo.

Okey na sa akin ang katawan ko ngayon. I’m sure kapag nakaramdam na ako ng nakaka-syokot, magda-diet na rin ako. Super papayat na.”

May mga naglabasang reaction ng mga netizen after niyang mag-audition sa The Voice na kumukwestyon kung bakit kailangan pa raw niyang sumali sa contest gayong sikat na ang kanyang anak.

“E, sobra akong kontesera, kahit noon pa lalo na sa Tacloban. Lahat na sinalihan ko. So, parang kapag nakapasok ka sa The Voice, para sa aming mga kontesera parang ‘yan ‘yung pinakabonggang sasalihan mong contest, makapasok ka man o hindi.

Muntik na nga akong hindi mapayagan diyan, e,” kwento niya. May tsika rin na gimik lang ang pag-audition niya sa The Voice, may chika na scripted daw ang pag-apir niya sa show para pag-usapan ang paghaharap nila ng isa sa mga hurado na si Lea Salonga.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu nu’ng banggitin ni Lea ang pangalan ni Daniel (DJ) habang nagbibigay ng comment sa grand finalist na si Juan Carlos during the grand finals ng The Voice Kids.

“I think ano na lang ‘yun, basta nag-benefit kami pareho, tapos. Basta ako napagbigyan ko ang sarili ko na makatuntong diyan sa The Voice, okey na ‘yun. Kasi ‘yung waiting game, ‘yung from 11 a.m. to 2 a.m., hindi ko na keribels,” lahad pa ni Karla.

Read more...