Gerald minulto sa Baguio: May mga naramdaman talaga ako!

gerald anderson
MERON palang nakakatayo ng balahibong experience si Gerald Anderson habang nagsu-shooting sila ni Julia Montes para sa  romance-horror movie na “Halik sa Hangin.”

Kuwento ni Gerald, may isang eksena sila sa pelikula na kinunan sa isang abandoned American house kung saan kailangan nilang buksan ang pinto sa isang kwarto.

Habang rumorolyo raw ang mga camera, at nasa gitna sila ng nasabing eksena, bigla na lang daw bumukas ang pinto kahit walang tao. “Ang galing ng timing kasi akala ko effects.

Biglang bumukas. Hinawakan ko si Julia, nasa gitna kami ng take, medyo naano kami du’n, pero itinuloy pa rin namin yung eksena. After ng cut, nagsigawan kaming lahat, ‘Ano yun?’” pag-alala ng Kapamilya actor na umaming talagang tumayo ang balahibo nila habag nagkukuwentuhan tungkol sa nangyaring kababalaghan.

Ayon naman sa direktor nilang si Manny Palo hindi na nila tinanggal ang nasabing eksena sa kabuuan ng movie dahil mas naging epektib ang dating nito.

“In this scene, the cameras were already rolling tapos there was one door na ang hirap hirap buksan, kailangang itulak siya. Tapos tamang tama, on cue, bumukas siya mag-isa.

Ginamit na namin sa movie talaga yung eksena. Hindi na namin inulit,” anang direktor.Bukod dito, may mga eksena rin sina Gerald sa Diplomat Hotel sa Baguio City na napapabalita ring pinamamahayan ng mga ligaw na kaluluwa.

“Pagpasok mo pa lang, makakaramdam ka na. Abandoned building na siya tapos madilim tapos yung ilaw ni direk, chill lang, hindi masyadong bright tulad ng ibang movies.

Medyo makakaramdam ka talaga ng something different pero wala naman po akong (sobrang nakakatakot na) experience, thank God,” dagdag pa ni Gerald.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na talagang maraming ligaw na kaluluwa sa iba’t ibang bahagi ng Baguio dahil nga sa naganap na malakas na lindol doon ilang taon na ang nakararaan.

Maraming gusali at bahay ang nawasak matapos ang nasabing killer earthquake. At ayon sa mga bali-balita, hanggang ngayon ay patuloy na gumagala ang mga kaluluwa ng mga taong nasawi sa nasabing trahedya.

Read more...