Hindi lahat ng rape naibabalita

RAPE victim ang makakapagsbi kung THERE is no template for a rape story. Every story is different and not all rape stories are told. Hindi lahat ng panggagahasa ay naibabalita at naiuulat sa mga otoridad.

Mas marami sa mga inisidenteng ito ay naiiwan na lang sa alaala ng biktima at sa paraang kanyang pinili: ang pananahimik, ang manahimik.

Rape ang aking tinalakay ngayon dahil sa muling pagsasalita ni Kat Alano tungkol sa rape na nangyari sa kanya may 10 taon na ang nakalilipas.

Hanggang ngayon, hindi pa niya pinapa-ngalanan kung sino talaga ang may kagagawan nito.

Assumptions on the identity of her assailant came because of the timing of her first twitter and Facebook posting about a year ago when the controversial case against actor and TV host Vhong Navarro became the headline of every newspaper and the topic of almost all radio and TV broadcast. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya pinangangalanan kung sino ang gumahasa sa kanya.
Si Vhong nga ba ang kanyang pinatutungkulan? Siya lang ang nakakaalam.

Ngunit nang makausap namin ni Jake Maderazo sa aming programang Banner Story si Kat kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, sa tantiya ko ay mas handa na si Kat ngayon.

Napagdaanan na niya ang yugto na siya ay nilait at pagbantaan ang buhay. Kung meron lang paramihan ng bashers, si Kat Alano siguro ay nasa top 10.

Napaiyak si Kat Alano sa aming interview. Mahirap sukatin ang sakit na pinagdadaanan niya. Kat is not an actress, she’s not trained to act. Hindi kayang iarte ang sakit na ipinakita ng kanyang mga mata. The trauma is there within her, no doubt.

Ang kasunod na hakbang dito ay nasa sa kanya. By coming out again, I believe Kat is ready to go beyond mere posting and status updates on social media.

May support group na kaya siya kaya malakas na ang kanyang loob? One plus one, the connection or the insinuation of connection is inevitable.

Si Atty. Topacio na rin ang nagsabi, mauungkat ang kaugnayan kay Cedric Lee dahil sa ugnayan ni Topacio kay Lee ngunit hindi raw ito mahalaga ayon sa abogado.

Ang tanging mahalaga sa kahihinatnan ng kuwento lalo na at kuwento ng panggagahasa ay nasa katotohanan ng salaysay, nasa mismong biktima, nasa kanyang pasya kung hanggang saan niya ito dadalhin. Whether there is a Cedric Lee or none in the Kat Alano coming out anew about the rape 10 years ago and against her abuser is secondary.

The truth of her story, outside or within the confines of the court will be scrutinized. She will be bashed anew, she knew that.

May kultura ng pagkondena sa mga biktima ng panggagahasa at pang-aabusong sekswal na dapat na basagin. At mababasag lamang ito sa pamamagitan ng matapang na pagtalakay sa usaping ito na nagsisimula sa katotohanang ito ay nangyayari, may mga biktima at may mga biktimang tunay na taon ang binibilang bago makapagsalita tungkol sa nangyari sa kanila.

As for Kat —sinuman ang tinutukoy niyang nanggahasa sa kanya, ang mahalaga sa ngayon ay mapagpasyahan niya nang may matibay na loob ang kanyang mga susunod na hakbang. She has to heal first and healing takes time. Palasak pero, ang katotohanan, anuman ang kuwentong ito, ay hindi lamang nakapagpapalaya, nakagagaling din.

Kung nagsasabi ng totoo si Kat, wala siyang dapat ikatakot.

Read more...