Sandy Andolong nag-sorry na kina Toni at Paul Soriano

sandy andolong
Nag-sorry si Sandy Andolong kay Toni Gonzaga at sa boyfriend nitong si direk Paul Soriano sa naging resulta ng ipinost niyang birthday greeting para sa TV host-actress sa Instagram kamaikailan.

Hindi inaasahan ng veteran actress na magiging kontrobersiyal ang paggamit niya ng “loyal fiancee” (para kay Toni) sa nasabing post.

“I can see how you both bring out the best in each other. I never realized it would cause so much commotion and reaction from so many people. Again, my deepest apology to Tin, Paul and their families for the trouble,” sabi ni Sandy.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Sandy ang kanyang co-star sa sitcom na Home Sweetie Home, “for being very nice and understanding.”

Matapos kasing mag-post ng message sa Instagram ang misis ni Boyet de Leon para sa kaarawan ni Toni gamit nga ang salitang “loyal fiancee” kumalat na ang balitang engaged na sina Toni at Paul.

Read more...