Dating child star bininyagan ni Carl sa halikan; tatay nakabantay

carl guevarra
Ngayong gabi na magsisimula ang Mistakenly Meant For You episode ng Wattpad Presents sa TV5 na pagbibidahan ng dating child star na si Isabelle de Leon at Carl Guevarra.

Unang nagkasama ang dalawa sa musical serye ng Singko na Trenderas, kaya naman super comfortable na sila sa bago nilang proyekto. Pero inamin ni Carl na mas challenging ang mga role nila ni Isabelle sa Wattpad Presents dahil nga sa mga intimate scenes nila sa progrma.

May mga kissing scene raw sila rito ni Isabelle, medyo nahiya nga raw siya sa dalaga dahil first kiss daw siya ni Isabelle, “Kinakabahan talaga siya, ayaw niyang pumayag.

E, siyempre, kinausap din siya nung director namin, para sa ikakaganda ng episode. Tapos binulong sa akin ni Isabelle na, ‘Kung hindi lang ikaw Kuya Carl, hindi ako papayag.’”

So, siya pala ang nagbinyag sa mga labi ni Isabelle, anong feeling? “Okay naman kasi before sa Trenderas, meron na rin kaming kissing scene kaso dinaya lang yun.

Matagal. Matagal din siya kasi maraming shots, e, tsaka ilang takes din.” Kuwento pa ni Carl, medyo na-pressure rin siya sa halikan nila ni Isabelle dahil habang kinukunan daw ang eksenang yun ay nanonood ang tatay ng kanyang leading lady, “Andun nga, e.

Ito yung nakakatawa, last na eksena namin, kasi kissing scene talaga. E, si Isabelle parang natataranta siya. Sabi ko, ‘Akong bahala, relax ka lang.’

“Tapos sabi ko, ‘Andiyan yung tatay mo o, paalisin natin. Nahihiya kasi siya.’  Nu’ng una smack, yung pangalawa meron nang ano (nagdikit na labi). Yung sa akin, trabaho, e.

Tsaka naiilang ako kasi sabi niya wala pa siyang boyfriend. Ano lang yung sa akin, trabaho. “Ako pa nga mismo ang nahihiya, e. Ako, kinakabahan kasi baka isipin niya nag-take advantage ako,” chika pa ng dating Kapuso artist.

Read more...