DINGDONG atat na atat nang buntisin si MARIAN

Na-amuse si Marian Rivera sa tsikang buntis siya.

Of course, si Dingdong Dantes ang itinuturong ama.

“Actually, may nagsabi sa akin tapos dinedma ko lang hanggang sa tinext ako ni Dong.

Sabi niya sa akin, ‘Gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na may lumalabas na buntis ka.

How I wish, sabi niyang ganoon.

Kaya nga sabi ko, ‘Ay ganoon ba?

Hindi totoo, ano ba! Saan nanggaling ‘yon?

Naka-white ako ngayon, hindi pa ba halata?” tuluy-tuloy na tsika ni Marian sa presscon ng Tweets For My Sweet, ang bago niyang sitcom sa GMA 7.

Wala nga namang basehan ang tsismis. Sa kanyang figure-hugging white outfit na kitang flat na flat ang kanyang tummy ay wala talagang makikitang signs na nagdadalang-tao siya.

And if ever na mangyari talaga iyon sa kanya, Marian will admit it outright, “Siguro natututo na ako.

Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang panindigan at kapag ginawa ko ‘yan at kapag nangyari ‘yan sa akin ay ibo-broadcast ko ‘yan.”

Sabi pa ni Marian, willing siyang maging mom in the future, “Sino ba naman ang babaeng hindi gustong magkaanak.

Ako gusto kong magkaanak. Balang-araw gusto kong maging dancing lola, why not? Open ako sa ganoong bagay.”

So, kelan siya willing magpabuntis? “Hindi ko alam. Bahala na,” Marian quipped. “Baka bukas?” biro pa ng Kapuso actress.

“Siguro may mga signs din naman.

May mga bagay na napag-uusapan o kusa na lang dumarating na hindi pinaplano.”

Sa ngayon ay wala pang balak na magpabuntis or magpakasal ang aktres, “Hindi pa kasi marami pa akong gustong gawin sa akin bilang ako, bilang si Marian Rivera.”

But if ever na ikasal siya kay Dingdong ay ipagpapatuloy pa rin ni Marian ang kanyang showbiz career, “Love ko ang showbiz.

Mahal ko ang trabaho ko. Nang dahil sa trabaho ko marami akong natutunan, naging buo ‘yung pagkatao ko.

Marami akong naging kaibigan.

Ang saya noong feeling na, parang kanina, unexpected na may ganoong issue pala kami ni kuya Dick (Roderick Paulate) na lumapit pala ako sa kanya na natuwa pala siya sa akin na hindi ko alam.

“Si Sheena (Halili) hindi ko alam na bigla lang kaming nagkukuwentuhan, ina-advice-an ko lang siya sa buhay niya.

Hindi ko alam na para pala sa kanya ay malaking bagay ‘yon na nase-share niya sa iba.

Nakakatuwa na sila ang nagsasabi kung sino ako.”

Kasama ni Marian sa Tweets For My Sweet sina Roderick Paulate, Sheen Halili, Chef Boy Lorgo, Elmo Magalona, Nova Villa, Barbie Forteza at Mikey Bustos.

Read more...