Relihiyon at OFW sa abroad

KAHIT hindi relihiyoso, kapag napunta na sa abroad at nagsosolo na, tanging pananalangin at matibay na pananalig sa Diyos ang tanging pinanghahawakan.

Lalo pa sa mga first time pa lang nakakapag-abroad, napakaraming naglalaro sa kanilang isipan bago pa man din makaalis ng bansa.

Siyempre hindi nila alam kung anong klaseng kultura meron sa bansang patutunguhan.  Anong klaseng employer ang aabutan?

Magtatagal ba siya at kakayanin kaya niya?

Nasasagot lang iyan pag naroroon na siya sa kanyang destinasyon. Pero lumalabas pa rin ang tunay na pagiging Pinoy ng ating mga kababayan:  na kahit anong mangyari ay kakayanin at magtitiis para sa pangarap sa pamilya.

Isa ang relihiyon o pananampalataya ang nagpapatibay sa ating mga OFW.

Ang relihiyon ay isang anyo ng pagsamba. Likas sa tao na humanap ng sasambahin.

Kahit pa sabihing hindi aktibo sa kaniyang relihiyon ang isang OFW, kapag nasa abroad na ay nagiging malapit sa Diyos.

Mayroong masigasig na nag-aaral ng Bibliya, nagsaliksik, inalam kung ano nga ba ang talagang itinuturo ng Bibliya at sa bandang huli, inalay ang sarili na paglingkuran ang Diyos.

Naroroong hihikayatin din ang ilang mga kaibigan at mga kamag-anak na magsaliksik din ng Bibliya at alamin ang katotohanan.

Iyan din ang isang magandang epekto ng pag-aabroad sa ating mga kababayan. Hinahanap nila at napapalapit sila sa ating Manlilikha.

Pero iba naman ang kwento ng isang opisyal naman ng ating embahada.  Siya naman, nawawalan siya ng relihiyon kapag nadedestino siya sa abroad. Bakit kamo?

Aba’y lahat ‘anya ng relihiyon iniimbita siya. At obligado naman siyang dumalo dahil ginagamit din nila ang ganoong mga pagkakataon upang makausap ang ating Filipino community. Biro niya, wala siyang sariling relihiyon kapag nasa abroad.

Regular na napakikinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM ang special naming segment tuwing Lunes 10:30am to 12:00 noon kasama ang tourism expert na si Professor Ralph Balmaceda ng San Sebastian College.

Mag-anyaya ng mga dayuhan at tiyak na mabibigyan ninyo sila ng magandang karanasan sa kanilang pamamasyal sa Pilipinas. Maaari po kayong mag-log on sa www.lakbayinnatinangpinas.weebly.com at e-like sila sa Facebook at sundan sa Twitter. Ang kanilang email address: lakbayinnatinangpinas@gmail.com

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM
Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City
Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming:
Chat Conversation End

Read more...