Sarah nabiktima ng sindikato sa Amerika, OFW, Popsters naloko sa pekeng concert

SARAH GERONIMO

SARAH GERONIMO

POOR Sarah Geronimo, nagamit ng mga scammers.

Merong kumalat na chikang may meet and greet event ang Pop Star last Jan. 14, 2015 sa Celebrity Centre International, Franklin Avenue, Hollywood, California. Ang chika, mabibili ang ticket sa halagang $100.00.

Nakarating na sa kaalaman ng Viva Communications ang scam at through it’s legal department ay nag-release sila ng statement na umapir sa Facebook fan page ni Sarah which said:

“Attention of the general public is drawn to the fact that a group of individual is claiming to have organized a Meet and Greet with Sarah G event on 14 January 2015, at the Celebrity Centre International, Franklin Avenue, Hollywood, CA. Said individuals are selling tickets for the event at a rate of USD100.00.

“This is to inform the public that Ms. Sarah Geronimo has not made any commitment to appear or participate in the abovementioned event. Neither has Ms. Geronimo agreed to the sale of the tickets at a rate of US100.00.

“For the benefit of the general public.”

Ang daming Popsters ang nagwala sa Facebook, lahat sila ipinagtanggol ang kanilang idol. Galit na galit sila dahil nagamit ang idolo nila sa scam na wala naman siyang kinalaman.

“Sobrang sikat kna tlga…kc ginagamit nila pngalan mo para mkapagpera. Dapat silang hulihin,kakahiya nman:(”

“Pakapalan na nang mukha makapang dugas lang at maipalamon sa pamilya nila na halang ang bituka 2ng mga tamad na tao na ito na di humanap nang trabahong marangal at nangluluko pa nang kapwa hoy!!! mabulunan sana kayo sa pangdurugas nyo mga idiot!!!”

“My mga tao tlagang mapagsamntala..gnmit pah name m ms sarah.. Sad 2 hear dat. Kawawa nmn ung mga nscam.”
“Ang dami n tlgng mang-gagantso at mukha pera ngaun, nang-gagamt p ng mga ibng tao, ingat guyz,lalo n un fans ni Sarah.”

Read more...