INIREKLAMO sa pulisya ng nagbabakasyong overseas Filipino worker ang isang sikat na fastfood chain sa SM Mall of Asia makaraang makakain ng ipis na nakahalo sa macaroni ang kanyang dalawang-taong-gulang na anak kamakalawa ng hapon.
Naganap ang insidente, ayon kay Dennis Paz, 32, sa Kenny Rogers malapit sa south wing parking ng MOA ala-1:30.
Sa kanyang pahayag kina SPO3 Allan Valdez at PO2 Mario Golondrina ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), habang kumakain ay nakita ng kanyang misis na may halong ipis ang kinakain na macaroni ng kanyang anak.
Kaagad silang nagreklamo sa manager ng nasabing fastfood chain bago kinuha ng huli ang container ng macaroni na may ipis at ipinaalam sa kanilang area manager.
“Kinuha nila ‘yung pagkain at agad kami na sinamahan sa clinic ng SM at ipinasuri ang aking anak,” ani Paz.
Ayon sa doktor na tumingin sa bata ay hindi pa makikita ang sintomas nito kaya kailangang obserbahan ito.
Idinagdag ng ama na sinagot ng management ng Kenny Rogers ang pagpapagamot sa kanyang anak at humingi na rin ito ng pasensiya sa nangyari.
Nagsagawa na ng masusing pagsisiyasat ang mga pulisya para malaman kung nagkaroon ng kapabayaan ang naturang fastfood chain.
Sinabi ni Valdez na kapag napatunayan na may kababayaan ang management ay irerekomenda nila sa health department na magsagawa ng imbestigasyon.
Ipis sa macaroni, nakain ng baby
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...