Kailan magkaka-house and lot? (2)

Sulat mula kay Kristel ng Mahayag, Agusan,  Cagayan de Oro City
Problema:
1.      Matagal na kaming nagsasama ng aking asawa at may apat na kaming anak, ang problema unti now, wala parin kaming sariling lupa at bahay, sa halip nangungupahan lang po kami kaya lalo tuloy kaming naghihirap. Sa ngayon po ay nasa abroad ang mister ko kaya nag sisikap akong maka-ipon para kahit maliit lang ay magkaroon kami ng sariling lupa at bahay para hindi na ngungupahan.
2.      Itatanong ko lang po kung sa kabila ng ganitong sitwasyon ng buhay namin, sapat sapat lang ang kinikita ni mistser,  may pag-asa pa kaya kaming magkaroon ng sariling lupa at bahay? January 23, 1979 ang birthday ko at October 17, 1977 naman ang mister ko.
Umaasa,
Kristel ng Cagayan del Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang iyong mister na isang Libra. Ibig sabihin dahil tugma at compatible naman kayong dalawa, sa pagtutulungan nyong mag-asawa, sa bandang huli kusa ding matutupad ang pangarap nyong magkaroon ng sariling house and lot.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 17 naman ang mister mo ay nagsasabing, yayaman kayo sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa butil at agricultural products, puwede ring tindahan o grocery. Kapag nakapagnegosyo na kayo, tulad ng nasabi na, mas mabilis kayong makaka-ipon hanggang sa kusa ng matupad ang pangarap nyong sariling lupa at bahay.
Luscher Color Test:
Upang  mas madaling matupad ang nasabi ng pag-aanalisa sa itaas, lagi kayong gumamit ng kulay na pula. Sa nasabing kulay maraming magaganda at suwerteng kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay ang kusang darating sa inyong buhay.
Huling payo at paalala:
Kristel ayon sa iyong mga datos, basta’t manatili ka lang na mag-ipon at magnegosyo ng mga kalakal na binanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa ayaw at sa gusto nyo, sa taong 2019 hanggang 2020 sa edad mong 40 pataas at 42 naman si mister, magkakaroon na kayo ng simple, pero maganda at may taniman pa ng gulay sa paligid na sariling house and lot.

Read more...