Para sa may kaarawan ngayon: Upang yumaman hindi dapat pairalin ang awa o habag. Sa pinansiyal, kailangang maging materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat manaig ang puso, isip at utak ang paganahin. Mapalad ang 4, 22, 28, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Yellow at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pagiipon ng pera para sa future ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo. Mapalad ang 3, 18, 30, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Orange at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Mapupuno ng mga pagpapala ang buong taon kung magdarasal bago bumangon. Sa gabi, ganon din, bago matulog magdasal muna. Tandaang nakukuha din sa dasal ang pagyaman. Sa pag-ibig laging ipagdasal na patuloy na maging maligaya ang suyuan. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal mag-concentrate sa iisang iniisip lamang na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong dati ng minahal. Mapalad ang 5, 23, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansyal, wag mabuhay sa luho subalit tadtad naman ng utang. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mga problema upang ito ay tuluyan ng malutas. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at apple green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, kahit mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera, dahil sa kanya ka humuhugot ng lakas. Sa pinansiyal, mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pinansiyal, isagawa ang mga bagay na nuon mo pa na iniisip na sa iyo ay magpapayaman. Sa pag-ibig, ngayong nalalapit ang araw ng mga puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Gray at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ay darating na namang tukso! Iwasan ang maling relasyon upang hindi mapahamak, kung sadyang hindi maiwasan, dapat na magkakapera ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa taong ito kung magiging payapa ang isipan mas madali kang liligaya! Mas magaan ang pasok ng pera kung magme-meditate. Sa pag-ibig, sa unang oras sa umaga, ayain ang kasuyo sa simpleng pagyo-yoga – ipikit ang mata habang naka-lotus seat. Mapalad ang 7, 9, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Om-Name.” Violet at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa panahong ikaw ay sagana, wag kakalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng salapi at sa aspetong pang-relasyon. Mapalad ang 9, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang mangarap na magkaroon ng sariling house and lot sa isang exclusive subdivision. Sa pag-ibig, sa pagtutulungan nyo ng iyong kasuyo, walang hindi matutupad sa inyong mga inaambisyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Yellow at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang palakasin ang sarili mong potential. Sa pinansyal, pilitin mong magpakayaman, kayang-kaya mong gawin yan. Sa pag-ibig kung nabigo nuong mga nakaraan, panahon, muli kang bumangon at mag-mahal. Mapalad ang 4, 17, 28, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Gold at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Pagkilos ang dapat upang magtagumpay! Sa pinansyal kailangan mong umaksyon para yumaman. Negosyong may kaugnayan sa mga halaman ang sayo ay magpapayaman. Sa pag-ibig, hindi dapat na pa-text-text lang, kailangan mong makipagkita sa kanya ng harapan. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Harim-Om.” Maroon at green ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.