Liderato pag-aagawan ng Hapee, Cagayan

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. MP Hotel vs Cebuana Lhuillier
2 p.m. MJM Builders vs Jumbo Plastic
4 p.m. Hapee vs Cagayan Valley
Team Standings: Hapee (10-0); Cagayan Valley (9-0); Café France (9-2); Jumbo Plastic (6-4); Cebuana Lhuillier (6-4); Tanduay Light (5-6); Bread Story (4-6); Racal Motors (3-7); MJM M-Builders (3-7); AMA (3-8); Wangs (2-8); MP Hotel (1-9)

LIDERATO ang pag-aagawan ng Hapee at Cagayan Valley habang ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage ang pagtatangkaan ng Jumbo Plastic at Cebuana Lhuillier sa pagpapatuloy ng 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Parehong pasok na sa semifinals ang Fresh Fighters at Rising Suns pero asahan ang mainitang labanan dahil sa pride ang nakataya rito.

Wawalisin ng Hapee (10-0) ang single-round elimination kung talunin ang Rising Suns sa kanilang pagtutuos dakong alas-4 ng hapon.

May 9-0 karta ang Cagayan at pakay nila na ipakita na sila ang dapat na ilagay bilang team-to-beat sa liga.

Nasa koponan ang number one pick sa rookie draft na si 6-foot-7 Moala Tautuaa habang nakikitaan din ng gilas ang ibang mga Fil-Ams na sina Alex Austria at Abel Galliguez.

Makakasama rin ng Cagayan ang kanilang head coach Alvin Pua na nasuspindi sa huling tatlong laro matapos banggain ang referee sa laro laban sa Jumbo Plastic.

Ngunit asahan na handa ang Fresh Fighters na harapin ang hamong ito at sasandal sila kina Bobby Ray Parks Jr., Garvo Lanete at Nigerian center Ola Adeogun.

Read more...