Kaibigang singer ni Erik sobrang pinagselosan ni Angeline

erik santos
Natawa kami sa nabasa naming item tungkol sa umano’y pagseselos ni Angeline Quinto sa isang singer kata hindi nito kinausap ng ilang linggo si  Erik Santos.

Naganap daw yun noong mag-birthday ang singer kung saan inimbitahan nito ang lahat ng mga close friends niya, including K-La Rivera na noon pa niya sinabing crush niya.

Nakalaban ni Angeline si K-La sa isang singing search ng ABS-CBN kung saan siya nga ang nanalo.Kaloka talaga itong si Angge! Ha-hahaha! Talagang selos daw ang umatake sa kanya lalo pa’t nakita niyang halos magkayakap na sa mga ipinost na pictures sa Instagram sina Erik at K-La.

But then again, okay na raw sila uli. Kuwento ni Angeline, nakusensiya nga raw siya sa ginawa niyang pangdededma kay Erik kaya nu’ng mag-birthday daw ito sa US (kung saan magkasama silang nag-show) ay siya pa ang nagbigay ng cake.

Well, for sure ay kasama sa mga idinasal ni Erik noong nandito si Santo Papa na finally ay maging smooth-sailing na ang lovelife at career niya.

At dahil naipangako niyang laging isusuot ang regalong necklace ni Pope Francis among others kasama na ang bonggang rosary, siguro naman ay hindi na magseselos si Angeline kung regaluhan man si Erik ng kuwintas if ever.

Ha-hahahaha! Ay, meron na raw pala, sabi ng alulong ko. Ha-hahaha!!!

 

Read more...