Tinitipa namin ang kolum na ‘to Martes ng madaling araw, Jan. 20. This is the same day ng kaarawan ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga.
At sakto naman na habang tumitipa ay sumisilip-silip din kami sa aming Facebook account. There, we chanced upon ang ipinost ng FB friend namin at boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano.
He posted this message kung saan may kasamang picture ni Toni, “Happy Birthday Tin! Since I’m beside you right now I’ll just tell you my message….#StayBlessed #ThisIsYourDay #OkIlCloseThe DoorAgain #FullTank.”
Kitang-kita naman sa message how deeply in love si Direk Paul kay Toni. Wonder lang kami kung ano ang regalo ni Direk Paul kay Toni? Ang haba-haba talaga ng hair ng anak ni Mommy Pinty, huh!
Nahiwagahan naman kami sa isa pang post ni Direk Paul na #OkIlCloseTheDoorAgain. I’ll close the door again?” Ano kaya ang ibig sabihin nito? At alam ba ‘to ni Mommy Pinty at Daddy Carlito, ‘yan Toni?