AIZA may ka-live-in daw na baguhang female singer?

Tiyak na maiintriga ang mga tao kung bakit isinara na ni Aiza Seguerra ang kanyang Twitter account.

Isa kami sa followers ni Aiza pero lately nga ay hindi na namin nababasa ang kanyang mga tweets.

Natutuwa pa naman kami sa kanya dahil matapang siyang mag-post ng mga messages.

Interestingly, wala na ring Twitter account ang nali-link na baguhang singer kay Aiza na si Krizza Neri, ang naging winner sa Protégé ng GMA.

Tama ba ang nasulat na naimbiyerna si Aiza dahil may isang follower na nagsabing nagli-live in na sila?

Mahirap namang paniwalaang nagsasama na sila?

Unang-una, bata pa ang baguhang singer. Pangalawa, baka talagang tinutulungan lang siya ni Aiza dahil hindi pa niya alam ang pasikot-sikot sa showbiz.

Anyway, itinanggi na ni Aiza na merong something sa kanila ni Krizza.

Ito ay sa kabila ng tsikang binibigyan ng regalo ni Aiza ang baguhang singer at close na close na sila ngayon.

Read more...