SA kauna-unahang pagkakataon nagbigay ng patikim si Nikki Gil sa kanyang fans about her non-showbiz boyfriend.
Sa kanyang Instagram account nag-post ang singer-actress ng isang picture kung saan makikita na magkatabi sila sa upuan ng negosyanteng si BJ Albert sa reception ng isang wedding.
Kahit medyo nakatalikod ang dalawa ay makikita na rin kahit paano ang itsura ng guy. Bukod sa nasabing larawan ay meron pa kaming nakitang collage ng litrato nina Nikki at BJ kasama ang mga kaibigan nila, kabilang na sina Paolo Valenciano at asawa nitong si Sam Godinez.
Inamin kamakailan ni Nikki na exclusively dating na sila ni BJ pero mas marami ang naniniwala na matagal nang magdyowa ang dalawa.
Sinabi rin ng singer-actress na naka-move on na siya totally sa break-up nila ni Billy Crawford na maligaya na rin ngayon sa piling ng dyowa nitong si Coleen Garcia.
Ang tanong ng madlang pipol: ma-preserve pa rin kaya ni Nikki ang kanyang virginity ngayong meron na siyang bagong BF o isuko na niya finally ang Bataan this time? O baka naman maulit lang ang nangyari sa kanila ni Billy na balitang nagkahiwalay dahil sa diumano’y pagtanggi ng dalaga sa pre-marital sex. Let’s see.