Jennylyn: Pangarap ko ring makahanap ng lalaking pakakasalan ako!

jennylyn mercado
Walang lovelife si Jennylyn Mercado sa Valentine’s day kaya ang pre-Valentine concert niya sa Peb. 13 ay hango sa dayalogo niya sa pelikulang “English Only Please” na,  “Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako!” na gaganapin sa Feb. 13 sa SM Skydome.

Special guest ni Jennylyn ang leading man niya sa nasabing pelikula na si Derek Ramsay, pati ang boyfriend niya sa pelikula na huthutero na si Kean Cipriano at si Cai Cortez.

Bagama’t walang lovelife si Jennylyn ay hindi raw nangangahulugang hindi siya masaya at kuntento sa buhay niya, sapat na raw na kasama niya ang anak niyang si Jazz.

Samantala, malapit na ang kasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend nito at biniyayaan na sila ng anak na babae, tinanong si Jennylyn kung hindi ba siya nakakaramdam ng inggit sa ex niya dahil kung hindi sana sila naghiwalay ng aktor, e, di siya sana ‘yung ihaharap sa altar.

“Siyempre, lahat ng mga babae, dream nila na magpakasal. So, ako rin, dream ko rin na magkaroon ng magandang wedding at makita ‘yung talagang tamang tao para sa akin,” say ng aktres.

Ang nakakatuwa ay ang mapapangasawa ni Patrick na si Nikka Martinez ang katsika niya at hindi ang aktor, “Hindi kami masyadong nag-uusap (Patrick), mas kausap ko ‘yung asawa niya,” say ni Jen.

Wala na raw silang isyu ni Patrick ngayon, “Oo naman, walang samaan ng loob. Mas maganda ‘yung ganu’n, eh. Kahit kaninong tao, hindi maganda na may samaan ng loob.

‘Yun din ang reason, kaya ‘yung mga ex ko, maganda ‘yung kaibigan ko sila,” say ni Jen.

Speaking of Derek Ramsay, dalawa ang show niya sa TV5 ngayon, ang sitcom na Mac & Chiz kasama si Empoy at ang reality show na Extreme Series, Kaya Mo Ba Ito.

Sa Mac & Chiz ay patatawanin tayo ni Derek, habang tuloy ang pagiging host niya sa reality show na Extreme Series, Kaya Mo Ba Ito kung saan makakasama niya ang finalists ng The Amazing Race Philippines.

Extreme sports ang ipapamalas ni Derek sa programa, ang tsika sa amin ng isang taga-TV5,  “Like tatalon sa matataas na building, bungee jumping, parachuting, skydiving, so masusubok si Derek kung gaano kalakas ang loob niya.”

Sa Pebrero na ang airing ng Extreme Series at sa Marso naman mage-expire ang kontrata niya na inamin din naman ng aktor na magre-renew siya sa Kapatid network.

Read more...