Karburador vs Fuel Injection

motor for site
MAY nagtatanong ano daw ba ang mas magandang motorsiklo, ang de-karburador o fuel injected.

May mga nagsasabi na mas maganda ang performance ng may karburador kahit pa sabihin na luma ito na tinututulan naman ng ilan. Ang karburador at ang fuel injection ay parehong nagdadala ng hangin at gasolina sa makina na kailangan upang malikha itong enerhiya na siyang gagamitin ng sasakyan upang umandar.

Kailangan ng karburador (kalimitan na ang gumagamit nito ay ang mga lumang disenyo ng sasakyan) upang makapasok sa makina ang sapat na hangin at gasolina na susunugin.

Kung walang karburador, hindi kontrolado ang dami ng hangin at gasolina na papasok kaya hindi pantay-pantay ang malilikhang enerhiya.

Mas matagal din ang buhay ng karburador kaysa sa fuel injection bukod pa sa mas mura ito. Mas madali ring gawin ang mga de karburador at madali itong buuhin muli kapag nasira.

Fuel Injection
May mga nagsasabi naman na mas maganda ang performance ng fuel injection bagamat mas komplikado ang sistemang ito. Noong 1980s inilabas sa merkado ang bagong sistemang ito ng pagsusunog ng gasolina.

Ang hangin at gasolina na kailangan ng makina ay kontrolado kaya mas malaki ang power output. Pero kailangan ng fuel pump dahil kailangan ng pressure sa pagdadala ng gasolina sa mga injector na siyang daraanan ng gasolina patungo sa makina.

Dahil mas nasusunog ng angkop ang gasolina, halos wala itong usok kumpara sa mga de karburador. Mas matipid din ito sa gasolina. Marami ng bansa ang nagpapasa ng batas kaugnay ng usok ng sasakyan kaya unti-unting nawawala na ang mga karburador sa mga sasakyan.

Kailangang kontrolin ang susunuging gasolina para walang usok.  Kalimitan na ang halo ng hangin sa gasolina ay 12-14 parts air: 1 part gasoline. Mas madali ring i-adjust ang fuel injection kaysa sa karburador sa pagtotono ng makina.

May mga nagsasabi rin na hindi nabibilaukan ang kanilang makina dahil mas kontrolado ang gasolina at hangin na pumapasok.

Read more...