NANG-AGAW ng eksena ang dalawang kandidata sa gaganaping Miss Universe 2015 sa darating na Sunday dahil sa isang selfie picture na ipinost sa Instragram, Facebook at Twitter.
Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ni Miss Israel Doron Matalon sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya si Miss Lebanon Saly Greige, at sina Miss Japan at Miss Slovenia, na kuha sa isang event ng Miss Universe sa Florida, USA.
Iniintriga ng mga netizen ang nasabing selfie picture dahil magkasama nga ang mga kandidata mula sa mga bansang Israel at Lebanon. Alam naman ng buong mundo na matagal nang may tensiyon sa pagitan ng Lebanon at Israel dahil sa border conflict.
Maraming nag-like sa picture pero may mga nagsabi naman na tiyak na maiintriga ang dalawang beauty queen dahil nga sa long standing conflict sa pagitan ng dalawang (Western) Asian countries.
Sa Facebook account ni Miss Lebanon, nagpaliwanang ito kung paano nakunan ang litrato. Sey niya, sa simula pa lang ay ingat na ingat na siyang huwag silang mapiktyuran ni Miss Israel, na ilang beses daw nag-attempt na magsama sila sa isang larawan.
Pero nu’ng mag-grupie nga raw sila nina Miss Japan at Miss Slovenia ay bigla na lang itong sumama at ito pa raw mismo ang nag-post ng nasabing litrato sa kanyang Instagram.
Esplika ni Miss Lebanon, “To all my supporters and Lebanese citizens, I would like to thank you indeed for your continuous support of Miss Lebanon at the Miss Universe contest…The truth behind the photo:
Since the first day of my arrival to participate to Miss Universe, I was very cautious to avoid being in any photo or communication with Miss Israel (that tried several times to have a photo with me).
“I was having a photo with Miss Japan, Miss Slovenia and myself; suddenly Miss Israel jumped in, took a selfie, and put it on her social media…this is what happened and I hope to have your full support in the Miss Universe contest,” aniya pa.
Sinagot naman ito ni Miss Israel sa kanyang Facebook account, anito, “It doesn’t surprise me, but it still makes me sad. Too bad you can not put the hostility out of the game, only for three weeks of an experience of a lifetime that we can meet girls from around the world and also from the neighboring country.”
Samantala, gaganapin ang 63rd Miss Universe sa Jan. 25 (Jan. 26 sa Pilipinas) sa Florida, USA.