FOR a while ay sobrang init ng tampuhan ng magtiyang Helen Gamboa and Sharon Cuneta.
Kulang na lang sabihin nating nagsolian na sila ng kandila at ipinawalang-bahala na ang kanilang relasyon bilang magkapamilya.
We would like to understand where Sharon was coming from pero in totality, mas naunawaan namin ang sentiments ni tita Helen.
Mas naawa kami sa magiting na ginang nating ito na kilala sa pagiging humble and sobrang soft-spoken.
Minsan lang siya nasaktan at sa kamag-anak pa niya – pamangkin at that.
Pulitika ang naging ugat ng kanilang samaan ng loob.
Nakapagsalita si tita Helen ng hindi maganda in reaction to what Sharon commented sa ilang write-ups. Naalala ko pa ang sinabi ni tita Helen na matagal nang naibaon sa ilalim ng lupa yung issue kina tito Sen (Sen. Tito Sotto) and Sen. Kiko Pangilinan pero binuhay muli iyon ni Sharon for some reasons na siya lang ang nakakaalam.
Baka for lack of anything to say kaya siguro na-mention ulit ni Sharon ang nakaraang isyu between her uncle and husband Kiko.
Nakapagsalita tuloy si tita Helen na naging sobrang matayog na si Sharon – nagkapangalan at yumaman lang ay mahirap na raw itong abutin.
Pinatulan ni Sharon iyon, ha.
Nagsalita rin siya ng masasakit about that. Sinabi pa niyang “blood is not always thicker than water” na malaking insulto kay tita Helen.
Ngayon ay nag-iba na ng pananalita si Sharon.
She had stopped tweeting strong messages about her aunt.
Siguro may pumagitna sa kanila kaya unti-unti nang lumalambot ang tono ni Sharon.
Much more so dahil malapit nang umere ang kanyang TV show sa Singko.
Siyempre, kailangan niyang mag-promote at magbait-baitan siguro.
Alam n’yo naman ang mga artista, kaya nga artista, di ba?
Twice daw umiyak si Sharon sa presscon nila when asked of some sensitive issues lalo na ang tampuhan nila ng kanyang tiyahin.
Nag-quote na naman siya ng verse sa Bible that says na kapag nag-asawa ka raw, kailangang you side with your husband.
Pero di ba nasa Bible din ang kasabihang “blood is thicker than water”?
Alin dito ang mas pinaniniwalaaan ni Sharon? Obviously yung tungkol sa husband dahil nasabi na naman niya actually ito before.
“Echoserang frog din iyang si Sharon.
Natural, alam niyang she got bad press when she fought with her tita Helen na halos nagpalaki sa kanya when she was much younger.
Yung sinasabi niyang dapat she should side by her husband as stated daw in the Bible doesn’t necessarily mean na sundin niya at all times.
Case to case bases naman siguro ito.
“Kahit mali ba ang husband mo ay kailangang kampihan mo pa rin siya?
Puwede mo siyang ipagtanggol pero you don’t have to make choices kung hindi naman kinakailangan, ‘no!
Tingnan mo tuloy ang nangyari sa kanila ng tita Helen niya.
Akala ba niya ay maibabalik pa niya ang dating pagmamahal at respeto nito sa kanya?
Kahit magkabati pa sila siguro ay malabo nang maibalik ang dati nilang pagtitinginan.
“Siyempre, may edad na ang tita Helen niya, sensitive na iyan sa kahit anong issues kaya dapat ay naging maingat si Sharon sa kanyang pananalita.
Akala niya kasi, porke Megastar siya ay dapat palagi siyang nauunawaan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puwede niyang gamitin ang pagka-Megastar niya, ‘no!
Sa mga fans maaari pa pero sa mga tao in the know, sensiya na ha, may kanya-kanya naman tayong opinyon at pride,” anang isang analyst friend namin na medyo na-hurt daw on tita Helen’s behalf.
I also agree with our friend. Kasi nga, iba kasi kapag kadugo mo na ang involved.
Okay lang sana kung personal kayong nagtalo pero yung pinadaan pa ni Sharon sa tweets, that became overboard.
Para kang naghamon talaga ng giyera.
Sana nagpakumbaba na lang si Sharon noon pa man. Hindi na sana siya naging vocal masyado.
Personal na lang sana niyang kinausap si tita Helen.
Ngayon ay nag-a-apologize si Sharon sa tita niya pero sa tingin n’yo ba ay basta-basta na lang tatanggapin ni tita Helen Gamboa ang panghihingi nito ng dispensa?
Sana noon pa, nu’ng nasaktan niya ito hindi yung kung kailan mag-eere ang TV show niya tsaka siya nanghihingi ng tawad.
Parang part lang ng promo?
But let’s still hope and see kung kailan matatapos ang hidwaan ng magtiyang ito.
Kami naman, we don’t want to see them fight. Maybe one day ay mapapatawad din ni tita Helen si Mega.