NAGPASALAMAT si Julia Barretto sa fans and supporters niyang umunawa sa kanyang sitwasyon matapos magpainterbyu ang tatay niyang si Dennis Padilla at sinabing inisnab siya ng anak sa isang event last holiday season.
Sa Twitter nagpasalamat si Julia sa kanyang supporters na nakinig at umunawa sa kanya at higit sa lahat hindi kaagad nag-judge laban sa kanya.
Kaya lang, kahit na anong pasalamat ni Julia sa kanyang supporters ay hindi pa rin maganda ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa pang-iisnab niya sa kanyang ama. Negang-nega pa rin siya to the eyes of the pulic.
“Kahit pa anong reason mo at ng nanay mo mali pa rin ang ginawa mo at ginagawa mo at ng nanay mo…kung si Dani ang gumawa may valid, acceptable dahil di niya nakasama at nadeny siya ng tatay niya.
Ikaw nakasama mo at lumaki k s tatay mo, alam mo kung ano ang atitude ng tatay mo. “Kahit sobrang galit pa yan at kung ano man ang pinagsasabi sa iyo konti yakap lang mawawala yon…mali man ang pagbulgar ni dennis s iyo at least siguro ngayon kahit kaplastikan lang, pag nakita mo siya medyo aware kana, na magiging negative impact s iyo pag d mo siya pinansin,” one fan explained.
“Fams supporters? Nasaan? Kaya pala tinapos na lang ang teleserye mo dahil sa dami ng fans? hellooooooooo! Pero julia may 2nd chance ka pa. Ayusin mo ineng.
Putulin mo na ang sumpa sa family ng nanay no makipag-ayos ka sa tatay mo kng gusto mong humaba pa ang career mo! Now na!” say naman ng isa pa.
“Bastos tlaga oh! Mkikita mo sa knya kc sarili lng nya ipinagtatanggol nya. Isipin mo, tatay mo pa rin ang inaaway mo!” mataray na comment ng isang against kay Julia.