Raymart maswerte pa rin kay Claudine

raymart santiago
MAS lumabas ngayon ang galing ni Raymart Santiago sa pagdadrama na napapanood gabi-gabi sa GMA TeleBabad series na Second Chances kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado, Rafael Rosell at Camille Prats.

Ayon sa mga nababasa naming komento ng viewers, bawat eskena raw ng Kapuso actor sa nasabing serye ay feel na feel nila, obvious daw na napakalalim ng kanyang pinaghuhugutan. Na totoong-totoo naman, di ba?

Imagine, sa sunud-sunod na kontrobersiya at iskandalong kinasangkutan ni Raymart nitong nakaraang taon, siguradong gamit na gamit niya ang mga ito sa mga eksena niya sa Second Chances.

May nagkomento pa na di hamak na mas maswerte pa rin si Raymart kesa sa nakahiwalay niyang misis na si Claudine Barretto dahil sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay buhay na buhay pa rin ang kanyang showbiz career, unlike Claudine na nganga pa rin.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Second Chances tonight: Pumasok si Federico (Roi Vinzon) sa kuwarto ni Rebecca (Camille ) at makikita niyang duguan ang pulso nito pero conscious naman at umiiyak.

Ibababa niya ang cellphone, babalutin ng towel ang wrist ni Rebecca at itatakbo agad ito sa ospital. Dinig naman ni Lyra (Jennylyn) sa cellphone niya ang kaguluhan kaya nagmadali rin siyang umalis para puntahan ang mag-ama.

Mababaw lang ang sugat kaya okay na si Rebecca nang kausapin siya nina Federico at Lyra. Nag-sorry si Rebecca sa ginawa at nagpasalamat sa pagpunta ni Lyra.

Nakauwi na sina Bernard (Raymart) at Billy (Joshen Bernardo) sa bahay nila. Kinailangan bigla si Bernard sa restaurant at naintindihan naman ni Billy kaya pumayag siyang iwan muna siya sandali ng ama.

Pag-alis ni Bernard ay tinawagan ni Billy si Lyra na nasa Vet clinic at nang malaman ni Lyra na wala sa bahay si Bernard ay pinuntahan niya ang bata.

Makikita ni Rebecca na kausap ni Federico ang private iinvestigator at nang malamang may nahanap itong bata na posibleng si Daryl ay nagmadaling mag-aya si Rebecca na puntahan nila ang bata.

Madadatnan ni Bernard sina Lyra at Billy na nagkakasiyahan sa bahay kaya mag-aaway uli sila. Mapipilitang umalis si Lyra kaya sasama ang loob ng bata sa kanyang ama.

Magkukrus muli ang landas nina Lyra at Bernard sa isang event, pero magwo-walkout si Lyra nang asarin siya ni Bernard, tinanong niya  si Lyra kung bakit sunud ito nang sunod sa kanya.

Aalis na umiiyak si Lyra kay magtataka si Bernard. At dito na magsisimula ang lahat sa kanila.

Read more...