IPINATUTUPAD ng Department of Labor and Employment ang National Skills Registration Program (NSRP).
Ang NSRP ay isang off-line na sistema ng pagpaparehistro ng nga manggagawang Pilipino na nangangailangan ng trabaho.
Layunin ng programa na patatagin ang kasalukuyang talaan ng skills na nasa DOLE Phil-JobNet at maging matibay na batayan ng tunay na bilang ng nga naghahanap ng trabaho sa isang lugar.
Mga dapat gawin sa pagpaparehistro:
1. Magsadya sa arangay hall o sa PESO (Public Employment Service Office) na mamatagpuan sa inyong munisipyo o city hall upang humingi ng registration form.
2. Punan ng mga nararapat na impormasyon ang form.
2. Personal na dalhin sa PESO ang nasagutang registration form upang maitala ng mga kawani ng PESO ang mga nakalap na datos mula sa iyo (tanging ang PESO lamang ang may access sa proseso na ito).
4. Maaari mong hintayin ang referral ng PESO kung mayroong trabaho na tugma sa inyong kakayahan.
Malaking tulong ang programang ito dahil ang trabaho ang maghahanap sa iyo.
Dir Anna
Doniniique Tutay
Bureua of Labor Employment (BLE)
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.