Horoscope, January 21, 2015

Para sa may kaarawan ngayon:  Mahirap talagang mawalan ng pera kaya sa sandaling gumanda ang income ay matuto kang mag-savings. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at silver ang buenas

Aries – (Marso 21-April 19)  —        Kahit malamig at nakakatamad ang panahon, gawing mabilis ang mga bagay na noon mo pa iniisip—gawin upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang puso; salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45.  Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.”  Red at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Tama ang naisip mong mag-iba ng “style”. Baguhin  ang tabas ng buhok. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa katawan.  Sa ganyang mga pagbabago ay mas uunlad at liligaya ang buhay. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta  at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—      Sa ibayong dagat ay may magandang kapalarang naghihinaty. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love na nakasuot ng kulay white. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma-Om.” Bukod sa white ang blue ay buenas.

Cancer – (June 22- July 22)  —Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema dahil malaki ang maitutulong niya. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag maghintay ng suwerte; sa malayong pook mo matatagpuan ang pag-unlad. Sa pag-ibig, habang naghahanap-buhay ay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Om.” Red at orange ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)—May sopresang matatanggap. Sa pag-ibig,  mamayang gabi ay may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang bigla mong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.”  Red at pink ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23) —Sa taong ito ng 2015, ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng violet, red at blue. Sa pag-ibig, higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.”

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal, huwag nang isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Green at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin ka; puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari niyang ilagay sa kanyang silid.  Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Lilac at red ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Upang patuloy na pumasok ang nasabing suwerte, ngumiti kang lagi at maging masayahin. Sa pag-ibig, may isang naka-black ang palihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Mahirap magmintina ng isang relasyon, ngunit kung iisiping nagkaka-edad ka na ay kailangan mong gawin! Panatiliin ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa high-tech na kasangkapan ka yayaman. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) —Upang yumaman, magpataba! Ang mga taong may bilugang pagmumukha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat! Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, masarap yakapin ang mataba? Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.

Read more...