PAULEEN: Wala akong ginagawang masama!

Sa mga nagsasabing malandi siya at mukhang pera

Grabe talaga ang mga paninira at panlalait na inaabot ngayon ni Pauleen Luna mula sa mga supporters ni Vic Sotto na hindi pabor sa kanya bilang bagong karelasyon ni Bossing.

Sa afternoon radio program naming “Kliq Showbiz” sa DZIQ 990 AM (kasama ang aming friendship na si Jenene), napakarami ang nagsasabing layuan na raw ni Pauleen si Vic dahil ginagamit lang daw niya ang comedian-TV host.

May mga nagsasabi na ang landi-landi raw ni Pauleen at pumatol sa lalaking parang lolo na niya, na kesyo pera lang daw ang habol niya kay Bossing at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Pero sa kabila nito, cool na cool pa rin si Pauleen at wala raw siyang balak na patulan ang mga nanlalait at nang-aalipusta sa kanya.

Kahit nga ang mga anak ni Bossing na very open sa pagsasabing hindi boto sa kanya ay dedma lang ang TV host-actress. “I respect everybody’s opinion.

For me, as long as I know that I’m not doing anything wrong, as long as I’m not stepping on anybody’s toes and as long as I know that I am not hurting anybody intentionally, I’m good,” ang makahulugang chika lang ni Pauleen.

At sa tanong kung kumusta naman ang kanyang puso ngayon, ito ang diretsong sagot ng aktres, “Oh, it’s very happy.

My heart is in a happy place!”

Read more...