Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama-sama sa isang two-night Valentine concert ang apat na music icon ng bansa – sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano at Lani Misalucha.
Yes, ngayon pa lang ay talagang excited na ang madlang pipol sa bonggang proyektong ito mula sa Starmedia Entertainment at I-Music Entertainment entitled “ULTIMATE”. Imagine, hindi lang isa, o dalawa, kundi apat na award-winning Filipino artists ang makakasama natin sa Feb. 13 and 14 para sa Valentine’s day?!
In fairness, talagang history in the making ang project na ito, ha! Kaya sure na sure kami na magiging concert of the year na ang “ULTIMATE” dahil siguradong ultimate showdown na ang mangyayari sa SM MOA Arena sa darating na Feb. 13 and 14.
Kahapon, sa presscon pa lang ng “ULTIMATE” ay siniguro nina Martin, Gary at Regine na hinding-hindi malilimutan ng kanilang followers and supporters ang gagawin nilang performances sa MOA Arena.
Sisiguruhin daw nilang magiging iba ito sa mga ginawa na nilang concerts in the past. Wala si Lani sa nasabing presscon dahil nasa Las Vegas ito ngayon, babalik ang Asia’s Nightingale sa huling linggo ng Enero o sa unang linggo ng Pebrero para sa nasabing concert.
Natanong ang Concert King, si Mr. Pure Energy at ang Asia’s Songbord kung sino sa kanila ang tumanggap ng pinakamalaking talent fee para sa nasabing concert, ang sagot ng tatlo – pare-pareho lang daw ang bayad sa kanila.
“Kasi nu’ng tinanggap namin ang show na ito, more than the talent fee, mas nauna yung excitement dahil first time naming apat na magsama-sama in one stage at Valentine concert pa.
So this is something new for all of us, and something different para sa mga nanonood ng mga concert namin,” sabi ni Regine.
“Tsaka wala na ring competition sa amin, para kasing ang pangit, di ba? Ang tagal-tagal na namin sa industriya tapos ngayon pa kami magkakaroon ng kumpetisyon,” dagdag pa ng Songbird.
Sey naman nina Martin at Gary, hindi naman daw nahirapan ang mga producers ng concert na kumbinsihin silang apat na mag-collaborate sa isang show dahil napakaganda raw ng proyekto at bihira lang daw mangyari ang ganitong concert sa bansa.
Ang “ULTIMATE” concert ay sa musical direction ni Ryan Cayabyab sa direksiyon ni Rowell Santiago. This is presented by PLDT Home DSL and sponsored by Luxent Hotel, Farlin and Zim.
And this is for the benefit of World Vision Philippines, PMA Makatao Class of 1989 Foundation at PNP, Regional Office 3.
For ticket inquiries, call lang kayo sa SM Tickets (470-2222) o sa Starmedia (854-3300).
Siguradong magiging mainit ang biritan showdown nina Regine Velasquez at Lani Misalucha sa kanilang “ULTIMATE” concert. E, kasi nga, hanggang ngayon ay sila pa rin ang pinag-aaway ng kani-kanilang fans.
Kaya naman natanong si Regine sa presscon, may pagkakataon ba na na-threaten siya sa presence ni Lani sa music industry?
“Hindi, wala talaga. Alam n’yo kasi, up to now naman di ba, ang daming singers na ikinu-compare sa akin, and kami rin ni Lani, kasi nga pareho kaming belter.
Pero magkaiba rin naman kami, iba yung style namin, yung audience namin.”Actually, fan ako ni Lani. Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘I love your voice,’ kahit mahina, o malakas, ang sarap pakinggan.
Gustung-gusto ko yung kanta niyang ‘Tila’, kaya kapag nagkikita kami niya, nagre-request talaga ako na kantahin niya. She’s a nice person,” sey ni Regine.
“Baka naman isipin ng mga tao magsasabunutan kami ni Lani sa concert dahil nga birit kung birit ang gagawin namin. Ha-hahaha! It’s not going to be like that.
Basta abangan n’yo na lang kung anong mga pasabog namin ni Lani, and also nina Martin and Gary!” pahabol pa ng Songbird.