Feel na feel namin ang honesty ni Zsa Zsa Padilla nang makausap namin siya recently.
Hindi na nga naman siya bagets o nagdadalaga para magpakyut hinggil sa kanyang lovelife, moreso sa kanyang sex life.
Kaya nang kumpirmahin niyang nasa iisang bahay na lang sila ng kanyang boyfriend na si Conrad Onglao, ipinagdiinan niyang respeto at pagmamahalan pa rin ang higit na manaig.
Inamin din ni Zsa Zsa na wala daw silang pinaplanong kasal ng kanyang BF, though may mga times na napag-uusapan na nila ito. Sey nga ng Divine Diva, “There was a time in my life when I got depressed.
Hindi natuloy ang kasal (sa yumaong long-time partner niyang si Dolphy). When you love a person, you can be with that person no matter what. Pareho lang ang responsibility. I’ll just stay true to myself.”
Payat at aminadong binabantayan ni Zsa Zsa ngayon ang kanyang katawan. Humirit pa itong kailangan niyang maging isang sexy “grandma” dahil kinakantiyawan na nga niya ang anak na si Karylle na bigyan na siya ng apo.
Masarap daw mag-feel bata all the time though pagdating sa mga movie or TV roles ay game na game naman daw siya kahit anong role basta matsa-challenge siya.
In fact sa kanyang award-winning indie movie na “M (Mother’s Maiden Name), na isa sa mga humakot ng awards sa nakaraang MMFF 2014 New Wave ay nagawa niyang sundin ang lahat ng instructions ng batambatang direktor nilang si Zig Dulay kahit na nga baguhan pa lang ito sa pagdidirek.
Magkakaroon ng commercial release ang “M (Mother’s Maiden Name) simula Jan. 21 sa mga sinehan nationwide.