TINABUNAN na ng panibagong box-office record ang movie ni Vice Ganda na “Girl Boy Bakla Tomboy” na ipinalabas noong 2013 Metro Manila Filmfest ng latest MMFF entry niya na “The Amazing Praybeyt Benjamin.” Mismong si Vice rin ang kumakabog sa sarili niyang pelikula, huh!
Dahil diyan, tiyak nang si Vice muli ang pararangalan bilang Phenomenal Box-Office Star sa darating na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
At kung si Vice ang Phenomenal Box-Office Star, malaki ang chance nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na tanghaling bagong Box-Office King & Queen para sa pelikula nilang “Starting Over Again” na kumita nang mahigit P400 million last year.
Binanggit namin ‘to kay Piolo noong makausap namin sa launch niya bilang celebrity endorser ng Silka along with Iya Villania at hanggang tenga nga ang ngiti ni Piolo.
Paano kasi never pang tinanghal na Box-Office King si Piolo sa more than a decade na career niya sa showbiz. Ikinumpisal ni Piolo sa amin na matagal na niyang inaasam ang Box-Office King title.
Sa presscon ng Silka Papaya, mas lalong gumuwapo si Papa P. Nag-mature na kasi ang face niya pero mas nagkaroon ng karakter dahil na rin sa bago niyang hairstyle. Hindi mati-trace sa mukha ni Piolo na may 18-year-old son na siya, huh!
Although, ni-reveal ni Piolo na lumilitaw na ang white hair niya sa ulo. But just the same, ‘di naman ‘yun nakabawas ng kagwapuhan ni Piolo.
At saka ayon sa Book of Proverbs sa Bible, “The glory of young men is their strength, gray hair is the splendor of the old.” Tapos na ang birthday ni Piolo (last Jan. 12).
Looking forward naman ngayon ang fans niya kung sino ang idi-date niya sa Valentine’s day, “I’m doing a show with Miss Zsa Zsa Padilla. I’m guesting in her show which is on the 14th. My date? Uh, Nanay ko. Ang boring ko, ‘no? Ha-hahaha!”
Until now ay wala pa rin siyang dini-date. Tanong din daw niya sa sarili niya kung kailan siya magkakaroon ng girlfriend. Just like in the past years, busy schedule pa rin ang dahilan ni Papa P kaya wala pa siyang lovelife, dagdag pa na nandito sa Pilipinas ang kanyang anak na si Iñigo.
Say naman ng taga-Silka na si Jane Co, “We believe that Piolo’s achievements are from his many years of consistent hard wok and professionalism.
Similar to Piolo’s success, Silka also gives its best to the consumers by way of consistency in quality and affordability.” Pinalitan ni Piolo ang dating male endorser ng Silka na si John Lloyd Cruz.