Sharon babalik sa ABS-CBN pag ubos na ang taba

sharon cuneta
Isang malapit kay Sharon Cuneta ang nakakuwentuhan namin nu’ng isang araw. Kinumpirma nito ang natalisod naming istorya na nagkaayos na ang Megastar at ang mga bossing ng ABS-CBN.

Ikatutuwa rin ng mga tagasuporta ng singer-actress ang ibinalita ng aming source na matagumpay si Sharon sa kanyang pagbabawas ng timbang, hindi man totoo ang 30 pounds na sinasabing nahulog na sa kanya ay maganda pa rin ang resulta, malaki na ang ipinayat ni Sharon.

“Konting panahon pa, more discipline pa at mas malaki na ang ibabawas ng timbang niya. Mahusay naman si Sharon sa ganu’n, kaya niyang ma-attain ang weight na gusto niya kapag gusto niya talaga,” pahimakas ng aming kausap.

Kapag nasa maayos na siyang timbang ay balik-telebisyon at pelikula na uli ang Megastar, naghihintay lang daw ang mga nakaplanong proyekto para sa kanya, sabik na sabik na ang kanyang mga fans sa nalalapit niyang pagbabalik.

Sabi nga ni Bradly Guevarra, ang nangunguna niyang tagapagtanggol, “Hindi kumpleto ang showbiz without the Megastar. Kahit ano pa ang sabihin ng iba diyan, kapag wala si Sharon, hindi kumpleto ang ningning ng lokal na aliwan!”

Sana nga, ngayong 2015 ay makabalik na agad si Sharon, kailangan na siya ng showbiz at ng kanyang mga tagasuporta, kailangan na siya ng mundo ng pelikula, mas may ningning ang mundong ito ng mga artista kapag nandiyan ang presensiya ng mga tunay na nagrereyna.

At kapag may iniwanan ay may babalikan. Totoong-totoo ‘yun para sa Megastar.

Read more...