BUNTIS nga ba si Marian Rivera? Tsika sa amin ng isang source binati raw si Dingdong Dantes ng kanyang kaibigan ng, “Congratulations, ilang buwan na ba?”.
At nagpasalamat naman daw ang boyfriend ng aktres tanda ng pagsang-ayon nito.
Kuwento ng aming source, “Nasa gym kami sa Shangri-La ng batiin si Dingdong, una nga hindi ko pinansin kasi akala ko hindi siya, e, nakita ko, siya pala ang kausap.
“Ang intindi ko buntis si Marian, kasi para saan ‘yung bating congratulations at ilang buwan na?
May iba pa bang meaning ‘yun?” balik-tanong nito sa amin.
Kung totoong buntis nga si Marian, hindi kaya napaglilihian din niya si Katrina Halili na isa ring buntis?
Hindi ba’t nagkaka-iringan muli ang dalawa ngayon na magkasama sa isang teleserye ng GMA?
Pero ang pinalalabas, napaglilihian lang daw ni Katrina ang girlfriend ni Dingdong kaya naiirita siya sa aktres.
Ano kayang isasagot nina Dingdong at Marian tungkol sa buntisang isyung ito?
Nainggit nga ba sa paglilihi ni Katrina Halili?
MARIAN BUNTIS, SI DINGDONG ANG AMA?
BUNTIS nga ba si Marian Rivera? Tsika sa amin ng isang source binati raw si Dingdong Dantes ng kanyang kaibigan ng, “Congratulations, ilang buwan na ba?”. At nagpasalamat naman daw ang boyfriend ng aktres tanda ng pagsang-ayon nito.
Kuwento ng aming source, “Nasa gym kami sa Shangri-La ng batiin si Dingdong, una nga hindi ko pinansin kasi akala ko hindi siya, e, nakita ko, siya pala ang kausap.
“Ang intindi ko buntis si Marian, kasi para saan ‘yung bating congratulations at ilang buwan na? May iba pa bang meaning ‘yun?” balik-tanong nito sa amin.
Kung totoong buntis nga si Marian, hindi kaya napaglilihian din niya si Katrina Halili na isa ring buntis? Hindi ba’t nagkaka-iringan muli ang dalawa ngayon na magkasama sa isang teleserye ng GMA? Pero ang pinalalabas, napaglilihian lang daw ni Katrina ang girlfriend ni Dingdong kaya naiirita siya sa aktres.
Ano kayang isasagot nina Dingdong at Marian tungkol sa buntisang isyung ito?
q q q
Ini-launch ng Mario D’ boro shoes ang kauna-unahang shoe line ng Brazilian-Japanese model turned actor na si Fabio Ide.
Tinawag na The Fabio’s Collection: It’s My Turn, ito ang unang collaboration of ideas galing kay Fabio Ide at Mario D’ boro na makikita ang limang designs, apat na formal at isang casual.
Sa nasabing event ay rumampa ang mga model ng Mercator na pag-aari ni Jonas Gaffud sa isang fashion show at nagkaroon rin ng autograph signing and picture taking ang mga dumalo kasama si Fabio. Marami rin palang supporters itong si Fabio Ide, pero napapansin namin parang hindi na siya masyadong visible ngayon sa GMA.
q q q
Inilunsad naman ng Snickers ang You’re Not you, When You’re HungryTM campaign kasabay ang kanilang bagong TV commercial at online contest na gaganapin sa Singapore, Malaysia at Philippines.
Ang bagong kampanyang ito na nagmula sa ideyang ang gutom ay nakapanghihina at nakapag-pabago ng mga ikinikilos ng isang tao at nakakaapekto rin sa mga taong nakapaligid sa kanya pati na rin sa kanyang performance.
Panauhin sa nasabing launching na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall sina Azkals Skipper Aly Borromeo, Striker Phil Younghusband at Midfielder James Younghusband upang magpatunay na bilang mga atleta ay kailangang nasa kundisyon ang kanilang mga katawan upang makapag laro sila ng maayos.
Inilunsad din sa naturang event ang kanilang bagong TV ad at online contest mula Abril 1 hanggang Mayo 15, 2012. Maaaring i-upload ng mga kalahok ang kanilang “hungry faces” sa Snickers® Facebook page, www.facebook.com/SnickersPhilippines.
Sa pagtatapos ng contest, pipili ng isang grand winner para sa bawat bansa. Ang mga mananalo ay magkakaroon ng chance na makapunta sa Poland, na may isang kasama, para panoorin nang live ang magaganap na European Championship 2012 match.
q q q
Hindi naman masama ang loob ni Derek Ramsay sa Star Cinema sa naging desisyon nitong alisin na siya sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Bea Alonzo. Pero inamin niyang sobra ang kanyang panghihinayang.
Ayon sa aktor, naiintindihan daw niya ang desisyon ng management at hindi raw siya “bitter or mad” sa pagkakatanggal sa kanya sa nasabing Star Cinema project. Nagpapasalamat pa nga si Derek dahil kahit daw sa loob ng maikling panahon ay marami na rin siyang natutunan sa kanilang direktor na si Olive Lamasan.
Sa isang inteview, inamin ni Derek na disappointed siya sa nangyari dahil gustung-gusto raw talaga niya ang role niya sa nasabing pelikula, pero sabi nga niya, ganu’n daw talaga sa showbiz, walang permanente at walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay sa mundo.
“I’ve learned a lot from her (direk Olive), she taught me a lot of things, she spoke to me. I really think of the positive on it. I don’t want to focus on the negative,” sabi pa ng aktor na malapit n’yo nang mapanood sa mga bagong show ng TV5, kabilang na ang Amazing Race.