Piolo, Sarah malas, Valentine Movie tsinugi

sarah geronimo
Nalungkot si Piolo Pascual nang malaman niyang baka hindi na matuloy ang pagsasamahan nilang pelikula ni Sarah Geronimo.

Ang pelikula sana nila ng singer-actress ang magiging Valentine offering ng Star Cinema at Viva Films, pero mukhang hindi na muna ito magagawa this year. Mismong si Piolo pa nga ang nag-announce nito last year.

Pero sabi nga ng aktor sa nakaraang presscon ng Silka kung saan ini-launch siya bilang bagong endorser, baka raw hindi na ito matuloy ngayong 2015.

“I guess may ibang concerns ang Star Cinema. Sila ang magde-decide…Dapat ‘yan ngayong February,” esplika ng tatay ni Iñigo Pascual. Nanghihinayang ba siya na napurnada pa ang movie nila ni Sarah? “Of course, I want to work with Sarah! I really want to work with her but I think it’s not the right project or something like that. We’ll see.”

Sa isang interview naman sa Pop Princess, kinumpirma nito na bibigyan siya ng ibang project at hindi na nga si Piolo ang makakatambal niya.

“May change of plans, pero wala pa pong detalye and baka hindi na for Valentine’s kasi hindi na kaya…may The Voice pa po kasi,” saad pa ng singer-actress.

Read more...