Charice ipinagmalaki ang katawang pangromansa

charice pempengco
Nakakagulat ang transformation ni Charice, ha!

Nakita namin ang tatlong photos niya sa Instagram account niya at talaga namang lalaking-lalaki na ang hitsura ng singer. Parang wala na siyang traces ng pagiging babae.

But what’s amazing ay ang sobrang kapayatan niya ngayon. Yes, parang wala ng anumang taba sa kanyang katawan. Slim na slim na siya, malayong-malayo sa plump body niya noong medyo babae pa siya.

Tatlong shots ang ipinost niya, ‘yung isa ay nakasando siya, ‘yung isa ay naka-boxer briefs siya at ‘yung huli ay nagbubuhat siya sa gym. Toned na toned and arms at abs ni Charice, talagang pinaghirapan niya ang kanyang bagong katawan.

Intense kasi ang kanyang workout at exercise sa gym. Isa pa, she’s now on diet, talagang malaking disiplina ang ino-observe ngayon ng singer.

Apat na buwan pala ang tumagal bago narating ni Charice ang kanyang katawang kahanga-hanga.

Read more...