PBB TEEN ng DOS lagot sa MTRCB

Dahil sa kalandian at halikan ng mga housemates  

Speaking of pasaway, ayaw naming maniwala na ang ilang mga housemates na kasali ngayon ng PBB Teen Edition ay sampol ng mga kabataan sa ngayon.

Siguro ay ilan lamang sila sa mga matatawag na “pambihirang kaso”, dahil sa dami rin ng mga kabataang nakakasama, nakakatrabaho at nakakausap namin, generally ay iba sila sa mangilan-ngilang pasaway sa lipunan.

May rason marahil si Kuya kung bakit niya kinuha ang mga ito lalo na yung mga bagets na babae na at the age of 16 ay engaged na, yung isa nama’y in-love na agad after one week niyang makasama ang isang male housemate, habang ang isa pa’y parang noon lang nakakita ng lalaki sa tanang buhay niya sa sobrang paglalandi.

Magkaibang-magkaiba nga ang set ng housemates na nasa loob ngayon ng PBB house. Naku,  sabi nga namin, yung mga babaeng tila misguided pagdating sa mga lalaki ay dapat talagang guwardiyahan ni Kuya.

May mga texters, listeners and viewers nga ang aming programa sa DZMM na nagsasabing dapat daw ay SSPG as in super strict parental guidance ang ibigay na rating ng MTRCB sa programa  dahil sa mga ilang gawain ng mga batang housemates na parang hindi raw pinalaki ng maayos ng kanilang mga parents o guardians.

“We don’t want to believe and buy that idea being brought about by those housemates in their acts and statements that this society is indeed misguided.

Maybe, we want to call them some of the few misfits in the family, who happen to catch Kuya’s attention for their program’s goal.

We encourage parents and those in the know to have a closer monitoring of the show as it may send wrong signal to our young audience especially in terms of boy-girl relationships and values on family, courtship, friendship, studies and self-worth.

“Huwag naman sanang magamit lang ng programa at ng network ang mga kabataang ito para pag-usapan at makakuha ng mataas na ratings,” ang bahagi ng makabuluhang mensahe na ipinadala sa inyong lingkod ng isa nating kaibigan.

Read more...