Kris agaw-eksana sa pagbisita ni Pope Francis sa Malacañang

kris aquino
“Once in a lifetime moment.” Iyan ang inilagay na caption ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa litratong ipinost niya kahapon sa Instagram matapos bumisita si Pope Francis sa Malacañang.

Dito makikitang nagmamano si Kris sa Santo Papa matapos itong makipagkita kay Pangulong Noynoy sa loob Malacañang para sa kanyang Welcome Ceremony kahapon ng umaga.

Sa isa pang litratong ipinost ni Kris ay makikitang pareho silang nakangiti ni Pope Francis habang ipinapakita ng TV host-actress ang isang rosary.

Sey ni Kris, iyon daw ang rosaryo na ibinigay ni Pope Francis sa panganay niyang anak na si Joshua, nang bumisita sila sa Vatican noong 2013.

“My FAVORITE picture! I showed Pope Francis the Rosary he had given Kuya Josh when we had the privilege of going to the Vatican April 2013, and as part of the Wednesday Pope General Audience Kuya was handed a Rosary by Pope Francis.

“It was just so thrilling to see the Pope smile so warmly when I held up the Rosary that my sons & I treasure. #MarianDevotee #Rosary#PopeFrancisPH,” sey pa ni Kris sa kanyang IG account.

Ayon sa mommy nina Josh at Bimby, ito na ang ikalawang beses na nakita up close and personal ni Kris ang Santo Papa. Una niyang na-meet si Pope Francis nang bumisita siya at mga anak na sina Bimby at Josh sa Vatican, bilang bahagi ng kanilang European trip noong April, 2013.

Read more...