Eto ang wish ko kay Pope…

wish ko

NGAYONG dumating na si Pope Francis sa Pilipinas, ise-share namin sa inyo ang naging tugon ng ilang celebrities nang tanungin kung ano ang hihilingin o sasabihin nila sa Santo Papa kung bibigyan sila ng pagkakataong makaharap ito. Narito ang pagpapatuloy ng panayam.

Julia Montes:

“Sobrang nakaka-excite. Feeling ko blessed agad na paparating siya dito and swerte tayo dahil isa tayo sa napili niyang puntahan. Sana lahat ng Pilipino ay maging open at mabuksan ang heart sa faith, love and peace.”

Edgar Allan Guzman:

“Pray for happiness and sa lahat ng kababayan nating Pilipino. Sa mga naranasan natin na problema, bigyan niya tayo ng lakas.”

Janine Gutierrez:

“Of course, I hope na maging masaya si Pope Francis sa pagbisita sa bansa natin. Mas marami sana siyang ma-touch na mga Filipino. I will also tell him na ipag-pray tayong lahat for more faith and positivity.

Mawala na po ang negative vibes para mas mabiyayaan tayong lahat. And of course, mas maging united pa tayong mga Filipino.”

Mike Tan:

“Sasabihin ko sa kanya, ‘Job well done Pope Francis!’ And please take good care of our country. Keep us safe from any big natural disasters at wala na po sanang corrupt at mga magnanakaw sa government.

Hihilingin ko rin sa kanya na bigyan tayong lahat ng wisdom and patience sa lahat ng bagay na mae-encounter natin.

Read more...