ISA pang bagong serye sa ABS na si Vina Morales ay umaariba na sa pakikipag-date.
Pero group date naman daw ito sabi ni Vina noong makausap namin sa presscon ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na magsisimula na rin sa Lunes pagkatapos ng Flordeliza.
“Hindi ako date na ano, ha, na talagang iisa lang. I’m still open to get to know, it’s not dating na usually group date? So, I want to get to know them first but nothing serious,” paglilinaw ni Vina.
Marami-raming group dates na rin daw mula sa invitation ng iba’t iba’t grupo ng mga kaibigan niya.
“No, because nagtatanong ako, ‘Bakit wala akong boyfriend?’ ‘Yun pala, hindi ako nakikipag-date. Ha-hahaha! No, I think that time I wasn’t ready to have a relationship. But I guess, now is the time for me. I’m ready to have a relationship,” lahad ng aktres.
Feeling ni Vina this year is the best year for her to find a new love.
Emotionally ready na raw siya ngayon. It’s been six years na rin since she had her last relationship. And now, her unica hija Ceana is already five years old.
“Yeah, alam niya na nakikipag-group dates na ako. ‘Yun na nga ‘yon, e, kaya ready na ako. Nagpi-pray na nga siya ng baby brother and baby sister, ‘D’yos ko Lord,’ sabi ko naman,” bulalas ni Vina.
Inamin pa ni Vina na meron siyang nakikita na pwede na sanang maging BF niya, “But I’m sure there are still more out there lalo na I travel, ‘di ba? Hindi naman ako nagko-close rin ng puso ko.”
Pabor din daw siya na maging foreigner or out of showbiz ang susunod na boyfriend niya, “Meron din naman akong naging ex na foreigner. So, I know how it goes.”
May pressure naman on her side na gampanan ang role na ginawa noon sa pelikula ni Susan Roces sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.”
“Oo naman, Miss Susan Roces ‘yun, ‘di ba? It’s a challenge for me. Kaya lang itong TV version, mas younger kami ni Denise (Laurel). Pero sina Jane (Oineza) at Loisa (Andalio) na mga anak ko, I think same age sila ni Snooky noon sa movie,” lahad niya.
Kasama rin sa Nasaan Ka Nang Kailanga Kita sina Jerome Ponce, Joshua Garcia, Aleck Bovick at Christian Vasquez sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.