Kris sawang-sawa na sa paghiling ng bagong dyowa

KRIS AQUINO, JOSH AT BIMBY

KRIS AQUINO, JOSH AT BIMBY

Tuluy-tuloy ang “proud mama” moments ni Kris Aquino sa social media.

She posted on her Instagram account a video where her son Joshua was playing the piano. The TV show host was mega proud that her son was playing a Ludwig van Beethoven piece, ang “Für Elise”.

Just recently, Kris posted a photo of Bimby’s report card. Super proud ang Queen of Talk dahil matataas ang grades ng kanyang anak. Partida pa na nag-aartista si Bimby pero nakakuha pa rin ito ng matataas na marka sa kanyang klase.

Napapansin namin, gamit na gamit ni Kris ang social media. Siya lang yata ang may pinakamaraming posts ng activities niya at pati na ang kanyang mga anak. Pati personal photos niya ay talagang isine-share niya sa kanyang adoring public, wala halos siyang itinatago.

It is because Kris is a media-savvy personality. Alam niyang interested ang public sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya and she quenches her public’s thirst by providing them a glimpse of her lifestyle.

Meanwhile, we’ve learned na magkakaroon na rin pala ng sariling segment si Bimby sa morning show ng mommy niya.

Mismong ang ABS-CBN president daw na si Charo Santos ang nag-request nito at ang magiging title ng portion ay “Kris TV with Bim” where the kid will showcase his numerous talents daw, like dancing.

When it comes to lovelife, hihintayin na lang daw ni Kris kung bibigyan siya ng Diyos ng boyfriend, pero kung wala talaga, hindi na niya ipipilit. Sa darating na birthday niya on Feb. 14, babalik siya ng Japan with his kids. One week silang magbabakasyon uli doon. Baka raw malungkot lang siya sa Valentine’s day dito dahil wala naman siyang boyfriend.

Read more...