Zsa Zsa ‘minumulto’ ni Dolphy: Kasi kinakausap ko pa rin siya!

ZSA ZSA PADILLA AT NICO ANTONIO

ZSA ZSA PADILLA AT NICO ANTONIO

Hanggang ngayon ay “minumulto” pa rin ni Dolphy si Zsa Zsa Padilla.

Tinanong namin ang Divine Diva kung nagpaparamdam pa rin ba si Pidol sa kanya kahit ilang taon na rin itong namaalam. Sey ng award-winning actress, napapanaginipan pa rin niya si Dolphy at tulad ng nakagawian niya simula nang magkahiwalay sila, kinakausap pa rin niya ang Comedy King.

“Yes, I still talk to him, minsan nagsusumbong pa rin ako sa kanya. Pero sabi ko nga, parang ayoko na ring magsumbong sa kanya, o magsabi ng mga problema kasi, di ba, parang he’s already there, tahimik na siya, happy na siya,” paliwanag ng singer-actress.

Samantala, itinanggi ni Zsa Zsa na may issue sa pagbebenta ng properties ni Pidol. Aniya, hindi sila nagkaroon ng conjugal property ni Dolphy dahil hindi sila kasal. Pero may mga binili silang separate property na nakapangalan sa kanya at sa mga anak nilang sina Zia at Nicole.

Read more...