Janella Salvador ipinagtanggol ang ina sa mga tsismosa

janella marlo
NAPAKASWERTE ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador, ang anak ng actress-singer na si Jenine Desiderio. Imagine, pagkatapos ng huling serye niyang Be Careful With My Heart ay bidang-bida na siya sa latest soap opera ng ABS-CBN, ang Oh My G! na magsisimula na sa Lunes kapalit ng Give Love On Christmas nina Paulo Avelino at KC Concepcion.

Makakatambal muli ni Janella sa seryeng ito si Marlo Mortel, ang naka-loveteam din niya sa BCWMH.“I’m overwhelmed right now, kasi ang dami kong support na nakukuha hindi pa nag-i-start yung show.

Ang daming nagtu-tweet sa akin na excited sila, so lahat kami excited para sa show na ito,” pahayag ni Janella sa presscon ng Oh My G! nu’ng Martes.

Pero hindi pa man nagsisimula ang serye ng dalagita ay may intriga na agad sa kanila ni Marlo – ayon sa balita, hindi raw boto ang mommy niyang si Jenine sa binatilyo bilang partner niya.

Sey ni Janella, hindi  ito totoo, sa katunayan medyo close na raw ang teen actor sa kanyang nanay, “Pati mommy ko mismo nagulat sa isyu na ‘yon. Sabi niya, ‘Janella, paki-clear naman.

Hindi totoong  ayaw ko kay Marlo.'” Dugtong pa niya, “She’s okay with Marlo. Close nga siya sa mommy ko.” Ayon naman kay Marlo, “Sobrang close kami ni Tita Jenine at parang friends talaga kami kapag lumalabas kami.”

Kasabay nito, inamin naman ng binatilyo na crush talaga niya si Janella. Pero sey naman ng dalagita, wala pa sa priority niya ang lovelife.  “Wala pa po akong iniisip na love-love ngayon.

Personal choice, ayoko pa po. I wanna enjoy my teenage life muna. Pero I can say that sobrang special ng friendship namin. We’re very close,” ani Janella.

Iniintriga rin si Janella sa dalawa pang teen stars ng Kapamilya – sina Liza Soberano (ng Forevermore) at Julia Barretto (bida sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis).

Silang tatlo ngayon ang pinaglalaban-laban ng madlang pipol para maging Teen Princess ng ABS. Ang tanong nga ng press, wala pa bang namumuong rivalry sa kanilang tatlo?

“Sa totoo lang po, we only see each other during shoots, pero nagba-bonding po kami. We’re very, very close. Wala po kaming rivalry or whatever. Wala pong issue.

Talagang nag-click po kaming tatlo and we’re super close. Wala talaga, we’re all kind din,” sey pa ng teen actress. Samantala, sa trailer pa lang ng Oh My G! mukhang makaka-jackpot na naman ang ABS-CBN dahil promising ang tema nito.

Kakaiba kasi ang tema ng programa. Kahit kami ay na-curious kung sino talaga si “G” sa Oh My G! Ha-hahaha! At siniguro ni Janella at ng iba pang cast ng show na makaka-relate ang lahat ng Pinoy sa kuwento nito.

Tiyak din daw na matutuwa ang mga magulang sa kanilang serye dahil tuturuan din nito ang mga kabataan na maging malapit sa Diyos at sa kanilang mga pamilya.

Dagdag pa rito, ang Oh My G! ay nabuo bunsod ng hiling ng Carmelite nuns sa mismong pangulo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, bilang selebrasyon ng ika-500 kaarawan ni St. Teresa of Avila sa Marso.

Ka-join nina Janella at Marlo sa Oh My G! sina Janice de Belen, John Arcilla, Dominic Ochoa, Eric Quizon, Edgar Allan Guzman, Manolo Pedrosa at Sunshine Cruz.

Magsisimula na ito sa Jan. 19, 11:30 a.m. bago mag-It’s Showtime. Ito‘y sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria.

Read more...