Dapat lang na gumastos ako para sa magiging asawa ko! – Dingdong

dingdong dantes kiss
Inamin ni Dingdong Dantes na may mga tumulong sa kanya para maisakatuparan ang lahat ng plano niya sa kasal nila ni Marian Rivera. Pero hindi totoong wala siyang inilabas kahit isang kusing sa nasabing royal wedding.

“Ako kasi ang thinking ko kasi diyan itong araw na ito is really for her and it’s for the sake of our families. But it’s really more for her. I really want it as a gift para sa kanya.

So dapat lang naman talaga (na ako ang gumastos),” paliwanag ni Dingdong sa isang interview. “Sabihin na lang natin na meron kaming mga naging kaibigan even before this and they are helping us in so many ways.

Hindi naman pwedeng sabihin na dole out 100% dahil negosiyo rin nila ‘yan eh and at the same time kaibigan rin namin sila,” dagdag pa ng Kapuso Primetime King.

Read more...