Duterte vs Poe, mananalo si Duterte | Bandera

Duterte vs Poe, mananalo si Duterte

Ramon Tulfo - January 15, 2015 - 03:00 AM

ANG mga kaparian (clergy) sa Simbahang Katolika sa bansa ay nagkakandarapa na bigyan ng marangyang pagsalubong si Papa Francis na isang mapagkumbaba at simpleng tao.

Hindi sila nagkakaisa sa pagpili ng sasakyan para sa Santo Papa na tinatawag na Pope-
mobile.

Isang grupo ng kaparian ang humiling kay Edison Cham, president at CEO ng ECTK Armored Car Manufacturer, na gumawa ng jeepney Popemobile.

Di lang sinunod ni Cham, isang dating Buddhist na naging Katoliko, ang paggawa ng jeepney Popemobile, ibinigay pa niya ito ng libre.

Sa kabilang dako, ibang grupo naman sa Catholic clergy ang humiling kay dating Ambassador Tony Cabangon-Chua, president at CEO ng ALC Group of Companies, na gumawa ng ibang Popemobile.

Ang ALC Group of Companies ay kinabibilangan ng Fortune Insurance, Fortune Health Care, Eternal Gardens at General Cars (Gencars) na exclusive distributor ng lahat ng Isuzu na sasakyan.

Gaya ni Cham, si Cabangon-Chua, na isang saradong Katoliko, ay nag-donate ng Popemobile na gawa sa brand-new Isuzu pickup truck.

Di pa nakontento ang Simbahan ng dalawang Popemobile, gusto pang magkaroon ng ikatlong Popemobile.

Kaya’t isa pang grupo ng Simbahan ang nagpadala ng Kia Popemobile na ginamit ni Francis sa Korea noong isang taon.

Bakit kinailangan pa ang pangatlong Popemobile samantalang sapat na naman siguro ang dalawa?

Dahil gustong magpasikat ang kaparian sa Pilipinas kay Papa Francis.

Kung may oras pa sana baka nagpagawa pa sila ng maraming Popemobile upang magpapalit-palit si Papa Francis ng sasakyan bawa’t oras.

Nabasa ko ang column ni Boo Chanco sa isang broadsheet noong Lunes tungkol sa posibleng pagtakbo sa pagka-Pangulo ni Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Boo na si Senador Poe lamang ang makakatalo kay Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential election.

Sumasang-ayon ang inyong lingkod kay Boo Chanco na si Poe ang makakatalo kay Binay—kung hindi tatakbo si Davao City Mayor Rody Duterte.

Sina Poe at Duterte ay nagpahayag na walang interest na tumakbo sa 2016 presidential election. Sa ngayon…

Kung magbago ang kanilang isip at tumakbo si Poe at Duterte sa four-cornered fight (Binay, Poe, Duterte at Interior Secretary Mar Roxas), itataya ko ang aking re-putasyon bilang kolumnista na mananalo si Rody Duterte. Hands down.

Hindi inisip ni Boo ang Visayan bloc vote sa Mindanao at Kabisayaan.

Ang dalawang rehiyon na nabanggit ay susuporta kay Duterte na isang Cebuano-speaking Visayan.

Ang mga Pinoy na Cebuano ang pagsasalita ay pinakamaraming ethnic group sa buong bansa.

Ang mga taga Samar at Leyte at mga Pinoy na Ilonggo at Kinaray-a ay boboto rin kay Duterte dahil sila’y mga Bisaya rin.

Mindanao will go all out for Duterte because they want a president from Mindanao. Simula’t sapul, wala pang naging pangulo na taga Mindanao.

Maraming taga Luzon ang humahanga kay Duterte dahil sa kanyang pamamalakad sa Davao City na itinuturing na isa sa mga siyudad sa mundo na pinakaligtas at pinaka business-friendly.

Kumpara kay Duterte, si Poe ay walang karanasan sa pagpapatakbo ng kahit man lang barangay.

Si Congressman Manny Pacquiao ng Sarangani province ay naitala na pinakamaraming absent sa Kamara noong isang taon.

Patawarin na natin si Pacquiao dahil nagdala naman siya ng tanyag sa bansa sa larangan ng sports.

Anyway, if he’s not bringing honor to the country, he’s personally attending to the needs of his constituents in Sarangani. Maraming makapagpapatunay niyan.

Pero paano ang isa pang congressman na palaging hindi dumadalo ng sesyon sa Kamara?

Ang mambabatas na ito ay adik sa shabu.

Palaging siyang absent dahil palagi raw siyang lango sa bawal na droga.

Alam ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso ang tungkol sa kanyang pagiging adik.

Pero walang maglakas-loob na magsabi sa kanya na tigilan na ang paggamit ng pinababawal na gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung walang makapagsabi sa inyo, Congressman, ako na lang: Magpa-rehab ka na dahil wala kang silbi sa taumbayan gawa ng iyong pagiging adik. Dapat nga inaresto ka na noon pa dahil inuutusan mo ang iyong mga staff na bumili ng shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending