Ika-10 panalo target ng Hapee

Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
12 n.n. Racal Motors vs MJM M-Builders
2 p.m. Jumbo Plastic vs Hapee
4 p.m. Bread Story-LPU vs MP Hotel
Team Standings: yHapee (9-0); yCagayan Valley (9-0); *Café France (8-2); Jumbo Plastic (6-3); Cebuana Lhuillier (5-4); Tanduay Light (4-6); Bread Story-LPU (3-5); xMJM M-Builders (3-6); xAMA (3-7); xWangs Basketball (2-7); xRacal Motors (2-7); xMP Hotel (1-8)
y – semifinalists
* – twice-to-beat sa quarterfinals
x – eliminated

IKASAMPUNG sunod na panalo ang nais na hagipin ng Hapee habang manatiling buhay ang paghahabol sa huling upuan sa quarterfinals ang nais ng Bread Story-LPU sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon magtutuos ang Fresh Fighters at Jumbo Plastic Giants na kailangan din ang panalo para okupahan na ang ikaapat na puwesto at ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

May 6-3 baraha ang Giants at kung manalo ay tuluyang matatapos ang paghahabol ng Cebuana Lhuillier (5-4) sa mahalagang insentibo.

Read more...