Ultra Lotto 6/58: Bagong game mas malaki ang jackpot

pcso

INILUNSAD ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang bagong Lotto game na tatawaging Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa PCSO ito ang lotto game na may pinakamalaking minimum jackpot na nagkakahalaga ng P50 milyon “Our new product provides players more chances to be a millionaire, and allows us to raise more funds for charity,” ani PCSO Vice-Chairman at General Manager Jose Ferdinand Rojas II.

Binigyan na ng go-signal ng PCSO Board of Directors ang bagong laro na pinag-aralan noong nakaraang taon. Ayon kay Rojas ang second prize (nakakuha ng lima sa anim na numero) ay hanggang P280,000 depende kung ilan ang tatama.
Ang third prize (apat na numero) ay hanggang P3,800 at balik-taya naman ang makakatatlong numero. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Bobolahin ito tuwing Biyernes at Linggo lamang. Sisimulan itong patayaan sa Pebrero 7.“We hope the public will support this new game and help us raise more funds for medical and calamity assistance and PCSO’s other charitable programs,” ani Rojas.

Read more...