Nabababaan sa SSS contribution | Bandera

Nabababaan sa SSS contribution

Liza Soriano - January 14, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line.

May tatlong taon na rin akong nagtatrabaho bilang driver sa International Sea Foods Provider at gusto kung itanong kung bakit P266 kada buwan lamang ang kinakaltas sa sweldo ko pambayad sa SSS. Tama po ba ito o kailangang magdagdag ang company namin?

Sana ay masagot ng SSS ang aking katanu-ngan.
Maraming Salamat
Elizalde Olivas
SSS no. ….0571-5

REPLY: Para sa iyong katanungan Ginoong Elizalde, kung ikaw ay sumusweldo ng mula P9,000 hanggang P11,000 ay ganyan talaga ang tamang kinakaltas sa iyo ng employer mo para sa SSS contribution.
Ang 1/4 ng contributions ay mula sa empleyado o manggagawa habang ang 3/4 nito ay sinasagot naman ng employer o kumpanya.

Dahil dito, hindi mo na kinakailangang mag-request pa sa iyong employer na magdagdag ng contributions dahil sakto lamang ito sa iyong sinusweldo kada buwan sa kumpanya.

Ang importante ay regular ang pagre-remit ng iyong kumpanya ng contributions sa SSS
upang hindi magkaproblema sakaling nanaisin mong mag-salary loan, gayundin sa pagsapit ng retirement age ay hindi mabalam ang iyong pension.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanu-ngan G. Elizalde.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending