Boy walang planong pakasalan si Bong Quintana

 

Speaking of Kuya Boy, kung nagsabi na siya ng “no” sa 2016 election, mas lalong wala silang plano ng partner niyang si Bong Quintana na magpakasal gaya ng ibang gay celebrities kahit na nasa ika-31 taon na ang kanilang relasyon.

“Oo naman, 31 years is not a guarantee to another man. Pero hindi ka pwedeng maging kampante dahil matagal na kayo. Pagpapatuloy mo ang pagmamahal, paggalang, pakikinig,” pahayag ni Kuya Boy.

Masaya raw siya para sa mga piniling magpakasal gaya nina Aiza Seguerra at Liza Diño. “I’m happy for anyone who wants to celebrate love. Kanya-kanya ‘yun.

Mapababae, mapalalaki, kahit sino  kung gusto nila, halimbawa, ilagay ang kanilang relasyon sa isang sakramento, I will always be happy for anyone.

But hindi naman ako, I cannot live my life doing what others are doing. I’m too old, I think, to be copying,” sabay tawa ni Kuya Boy. May say din si Kuya Boy sa mga bashers niya sa net, “Bahagi na ng buhay ‘yun.

They are there for whatever reason. I have my own space. I don’t live my life and I don’t wake up in the morning thinking about people who don’t like me.

“I don’t premise my life around it. Napakapositibo kong tao. I start my day with what I have and what God has given. Lalo na ngayon pagkatapos kong magkasakit.

Not everybody will like you but you can like everyone,” diin pa ng host ng The Buzz at The Bottomlime. Patapos na rin si Kuya Boy sa dissertation ng kanyang thesis for his Doctoral degree, “Napahaba ito dahil nagkasakit ako.

Hopefully, before March, I should have my doctoral degree in Social Development.” Kung magbago ang isip niya sa politics after 2016, pwede niyang magamit ang kanyang Doctoral degree.

Read more...