Kris ipinagyabang ang matataas na grado ni Bimby

bimby aquino
Ibinandera ni Kris Aquino sa buong mundo ang school report card ng anak na si Bimby. Proud mommy ang TV host-actress sa taas ng mga grades ng bagets.

Sa kanyang Instagram account ipinost ni Kris ang report card ng anak kung saan makikita ang puro A na grado ni Bimby. Super happy ang mommy dahil nga sa kabila ng pag-aartista ng bata ay hindi pa rin nito napababayaan ang pag-aaral.

Sey ni Kris, “Bimb arrived w/ his report card, I asked permission from him if I could post because his grades in ICT, music, Religious studies, and PE are all 4s!

And this was even when he was super busy shooting!#proudmama!” Nakaka-proud nga naman ang anak na tulad ni Bimby, di ba?

Read more...