Jennylyn umamin: Ilang beses nang nagpakabaliw sa lalaki

jennylyn mercado
MAGPIPIYESTA ang mga kalalakihan at katomboyan sa kaseksihan ni Jennylyn Mercado kapag tinutukan nila ang bagong teleserye ng GMA 7 – ang Second Chances opposite Raymart Santiago.

E, kasi nga, walang takot na nag-two piece bikini ang Kapuso actress sa ilang eksena niya sa soap, buti nga raw hindi pa siya gaanong tumataba nang kunan ang mga nasabing eksena.

“Yes, nag-two-piece ako diyan. Kahit ang dami kong stretch marks! Ha-hahaha! Pero sabi ko sa kanila, kayo nang bahala, alalayan n’yo na lang ako,” kuwento ng MMFF 2014 Best Actress.

Ayon kay Jen, nasa script naman daw ang pagsusuot niya ng two-piece bikini dahil nga sa beach kinunan ang mga eksena niya kasama ang Kapuso actor na si Luis Alandy na gumaganap na asawa niya sa serye pero mamamatay agad dahil sa aksidente.

Bukod pa diyan ang ilang intimate scenes nila ni Luis at ni Raymart. “Kung ano ang hiningi sa akin, kung ano ang idinemand sa akin, go! Aarte pa ba, tsaka alam ko namang hindi ipagagawa sa akin ni direk Laurice Guillen ang mga eksenang ‘yun kung hindi kailangan,” sabi pa ng aktres.

Inamin naman ni Jen na matindi ang pressure sa kanya ng Second Chances dahil nga napakaganda ng resulta sa ratings game ng huli niyang soap sa GMA, ang Rhodora X kung saan pinuri ng madlang pipol ang galing niya sa pagdadrama.

“Naku, pressure talaga! Dapat matapatan o malagpasan pa (ang Rhodora X).” Paano niya ikukumpara ang karakter niya sa Second Chances sa mga nagawa na niyang serye sa GMA, “Ibang-iba ang karakter ko dito.

Pamilyado na ako dito, kumbaga matanda na yung character ko. May asawa, may anak at may tragedy na mangyayari then du’n na masusubukan ang pagkatatag ng character ko, si Lyra…kung bibigyan ba niya ng second chance ang ibang tao. Ayaw na niya kasing ma in love. Dalang-dala na siya.”

Sa totoong buhay ba, masasabi niyang nabaliw na rin siya sa pag-ibig? “Maraming beses pero hindi ako natutuloy sa tao na yun…sinasabi ni God, hindi ka bagay diyan, hindi ka karapat-dapat diyan…mayroong mas  dapat sa iyo.”

Kasama rin sa Second Chances sina Camille Prats at Rafael Rosell na siyang magpapagulo sa magiging relasyon nina Jennylyn at Raymart matapos ngang mamatay ang kanilang mga asawa.

Samantala, sa pagpapatuloy ngayong gabi ng Second Chances sa GMA Telebabad, nag-aalala pa rin si Rebecca (Camille) kay Lyra (Jennylyn) kaya pinilit nitong sa bahay na lang niya ito tumira pansamantala.

Papayag naman si Lyra. Pero akala niya ay makakalimot siya kahit paano ngunit hindi pala siya nakatakas sa memories ng kanyang late husband and son. Kaya mas lalo siyang made-depress…kailangan niyang tumakas.

Walang kaalam-alam si Rebecca sa naging plano ni Lyra kaya ganoon na lang ang taranta nito nang hindi mahanap si Lyra sa kanilang bahay.

Tatawagan nina Rebecca at Federico (Roi Vinzon) si Jerome (Rafael) pero maski ito hindi alam kung nasaan si Lyra.
Bumalik si Lyra sa kanilang rest house.

Dahil sa kalungkutan, parang nakita niya sina Albert sa dagat. Sinundan niya ito sa dagat hanggang sa pulikatin at malunod. Isang kamay ang mag-aangat sa kanya paibabaw sa tubig –  si Bernard (Raymart).

Read more...