Kathryn niregaluhan ni Karla ng mamahaling kuwintas

daniel padilla
Inamin ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada na binigyan niya ng kuwintas si Kathryn Bernardo, ang rumored girlfriend ng Teen King.

Kumalat kasi sa social media na si DJ ang nagregalo ng mamahaling necklace na may heart-shaped pendant kay Kathryn na lagi nitong suot ngayon.

Sa Kris TV kahapon nilinaw ni Karla na siya ang nagregalo ng nasabing kuwintas sa Teen Queen, “Ako ang nagbigay. Sa akin galing. Gusto ni DJ ng regalo para kay Kath, so sabi ko, ‘Ito na lang anak, bagay sa kanya.'”

Pero napansin ni Kris Aquino na pareho sila ng suot na pendant ni Kathryn, may ibig sabihin daw ba yun sa family nila? “Yung sa kanya kasi rose gold.” Dagdag pa ng mommy ni Daniel yung necklace raw niya ay gawa naman sa white gold, so hindi raw ito identical tulad ng napapabalita.

Dahil dito, mas marami pa ang naniniwala ngayon na matagal nang magdyowa sina Daniel at Kathryn. At kitang-kita naman na botong-boto sa relasyon nila ang kanilang mga magulang.

Yun nga lang, marami pang hadlang para maamin nila sa madlang pipol na sila na, kabilang na nga riyan ang pagiging Iglesia Ni Cristo ni Kathryn.

Read more...